XXIII - Date Night

7.4K 145 3
                                    

Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised

Copyright: @KamotengWriter2014

Date Started: July 5, 2021

Chapter 23: Date Night

This is not your ordinary
no ordinary love
I was not prepared enough
to fall so deep in love
This is not your ordinary
no ordinary love
You were the first to touch my heart
Made everything right again
with your extraordinary love.

Loverboy's POV:

Today is Me, Myself & I day, it is where I get to spend my time for whatever I want to do with it, in other words, wala akong pasok sa shop ngayon, rest day ko, day off ko. Ang chaka diba? kaya tinawag ko siyang Me, Myself & I day, para mas bagay sa beauty ko.

Nadalaw ko na kaninang umaga ang mga magulang ko, kaya ngayong hapon naman ay off to the mall, and shop till my credit card drops ang peg ko, kasi nga ganito yan, dahil sa bff kong pretty like me, eh tumigil na ako sa kakahanap ng gagastusang boyfriend. This time sarili ko muna at ang pamilya ko ang priority ko. Kaya! Hindi na lalaspag at gasgas ang credit card ko ng bongga. At dahil dyan palakpak tenga ako.

I was on my way to the parking area, ng makita ko na naman si Robert na nag hihintay malapit sa car ko. Actually hindi na bago ang scene na ito, ganito palagi ang eksena kapag kailangan akong kausapin ni Silver. Buti na lang tinigilan ko na ang kape kaya hindi na ako nerbyosa, sa tuwing susunduin ako ni Robert.

"Ano na naman ang kailangan sa akin ng boss mo? Eh, wala akong pasok ngayon, at sure naman ako na bantay sarado si Auracle na BFF ko sa kanya ngayong wala ako sa shop". Masungit kong tanong kay Robert. Pero wag ka kinikilig ako every time na makikita ko siya.

"Aayain sana kitang lumabas". Tipid at nag aalangan niyang sabi.

"Bakit nasa loob ba tayo? Di ba nasa parking lot tayo, nandito na tayo sa labas diba?" Mapang-asar kong sabi, di naman siya pikon kaya alam kong di nya ko jo-jombagin. At tama ako kasi, kamot sa ulo lang ang sagot niya sa akin.

"Yung totoo, may dandruff ka ba o may kuto? Bakit panay ang kamot mo sa ulo? Wait, let me guess hindi ka naligo noh?" Pang aasar ko sa kanya.

Umiling siya while smiling at binuksan niya ang pintuan ng kanyang kotse at ng humarap sa akin ay muntik na akong himatayin sa nakita kong bouquet ng flowers na iniabot niya sa akin. Wait am I dreaming, 'coz if this is a dream, pwede bang itodo na natin sa bangunot para wala ng gisingan.

"I mean would you like to go out on a date with me, Love". He smiled at me, and promise, daig ko pa ang naiihi sa kilig.

"Teka lang, teka sandali. Napanood ko na ito eh, dala na ko sa sayo eh. Baka naman, isa uli eto sa tricks mo ha, tapos magigising na lang ako na ginagawa ng dinner ng mga alaga mong daga, ahas at kung ano ano pa." Playing hard to get ang peg ko today. Feeling mahaba ang hair ko ngayon dahil moment ko na ito okay, itotodo ko na!

"Kung ayaw mo, sabihin mo lang, madali naman akong kausap". Sabay talikod nito.

"Uy eto naman napaka sensitive agad" Habol ko sa kanya. "Halika na, kanina pa nga ako ready ohh, ikaw lang itong hinihintay ko, ano ba!". Sunod-sunod kong wika. Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya at tinawag siya.

"Ano ba ang bagal mo, halika na mag date na tayo dali". Pag mamadali kong sinabi, tumawa naman si Robert habang papasok ng kanyang koste.

Sa EK kami pumunta, at parang gustong ubusin ni Robert ang lahat ng rides dito, kahit pa wala na akong boses, at kahit pa tanggal na ang litid ko kakatili. Pero in fairness bawat tili ko ay panay din ang pagyakap sakin ni Robert. Paraparaan lang naman yan diba?

SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon