XL - Sold

9.6K 158 8
                                    

Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised

Copyright: @KamotengWriter2014

Date Started: July 5, 2021

Chapter 40: Sold

VRIELLA'S POV:

I was looking at myself in the vanity mirror. I'm wearing a sleeveless, below-the-knee floral pink dress. A pink hairband, and a pair of pink doll shoes. I looked like a Barbie doll.

Siguradong maglalaway na naman si Silver sa akin. Napangiti ako sa isiping iyon. Ilang araw ko na ba siyang tinitiis bilang parusa sa kanya. Tulad ng inaasahan ko, at ng noon pa may nararamdaman ko sa kanya, hindi niya kakayanin ang pagkawala ko. Hindi niya magagawang kontroling ang puot sa kaibuturan ng puso niya. Inamin niya sa akin ang lahat ng mga ginawa niya mula sa araw na inakala nila akong patay at maging sa buong pagkakataon na hindi ko sila nakikilala.

Hindi nagawang pigilan ng pangako niya ang sakit na dulot ng pagkawala ko. Pero hindi ko rin naman talaga siya masisisi. I know everything happens for a reason. Added to that, I'm here and alive because he saved me.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Kung tutuusin dapat ay matagal na akong patay. Dahil sa kabila ng pagliligtas sa akin ni Christian ay ginamit naman niya ako bilang experiment.

Nasabi rin ni Amanda na hindi talaga perfected ang experiment ni Christian. Dahil wala naman daw itong idinagdag or pinalitan sa project niya. Walang kahit anong improvement. Marahil ay nabulagan lang si Christian sa resulta ng chip sa akin. Nakakatawang isipin na ang nag ligtas sa akin sa mahigit tatlong taon ay ang aking karamdaman at ang ginawa kong pagsara ng puso ko sa damdamin ng kahit sinong tao.

Ate Marigold told me that I have suffered two kinds of amnesia (Retrograde amnesia and Anterograde amnesia) and shutting down my gifts from everyone. Because of these components, I managed to survive for three years. Naiiling ako habang nakatingin sa salamin. May sa pusa yata ako, ilang beses na bang kinaharap ko ang bingit ng kamatayan. Pero ang alam ko lang, nakaligtas ako sa lahat ng iyon, maging sa anak ko na si Cypher sa tulong ng pagdarasal sa Diyos.

Right now, another chapter of my life with the only man I love opens, and I hoping this time, this time we can live together happily.

I took one last look at myself in the mirror and then went outside the room. Mula sa hagdan ay nakita kong naghihintay sa akin si Silver. Kitang-kita ko ang pagkamangha niya sa akin. I saw him swallowed and parted his lips a bit.

"Do you like what you see Mr. Silver Demonteverde." I smiled at him with a little naughtiness. Masarap kasing parusahan ang puno ng guilt na Silver Demonteverde. Lahat gagawin niya, at mapapasunod mo siya sa kahit anong sabihin mo. At yang ang kapangyarihan na meron ako laban sa isang Silver Demonyoverde.

"You look like an angel from heaven Mahal ko". Nakangisi niyang sabi. Hindi nito napigilan ang sarili, at hinila ako. Kinulong sa kanyang mga bisig at siniil ng halik. Hindi naman ako tumanggi sa ginawa niya. Hinahayaan ko lang siyang masabik sa akin.

"Hmmmppp. Mahal ko, male-late tayo". Malambing ko siyang pinalayo sa akin. Mababanaag sa kanyang mata ang sobrang pagpipigil. Napakalalim ng kanyang paghinga. Ako naman ay lihim na natutuwa sa kanyang reaction. Ine-enjoy kong sobra ang mga oras na ito.

"Okay let's go." Pormal niyang sagot.

Solo namin ni Silve ang bahay dahil, nasa Batangas ang mga bata, kasama sina Mamay & Papay. Hiniling kasi ng mga magulang ni Silver na magbakasyon doon ang mga bata. Giliw na giliw ang mga magulang ni Silver sa lahat ng kanilang apo. Sabi pa nila sa amin ay dagdagan pa raw namin ang aming mga anak, dahil ang labis na tuwa daw na idinudulot nito sa kanila ang siyang nagdaragdag sa kanila ng buhay.

SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon