The How's and About's of 'The Bachelor Prince Series'

294 6 0
                                    

Author's long note:

So hey dear readers! Another story nanaman po ito from your's truly. After almost two years ng pagkakatambak ng story na to, sa wakas maipapabasa at mai-she-share ko na din ito sa inyo! Wonder why two years siyang na-stock?? Malalaman niyo rin later. Well as usual, magpapasalamat ako sa mga nag-basa at nagbabasa pa rin ng previous stories ko. Sa mga nag-basa ng Love-Spell (one-shot) at Fighting For a Second Chance (one-shot), at pati na rin sa I'll Be na kakatapos lang, salamat po ^_^ Alam ko marami dun ang silent readers at hindi nag-co-comment; but I want you to know na ramdam ko po kayo. Di ko man kayo kilala lahat personally. Your effort to read my story is super highly appreciated ^_^ Alam ko hindi ako ganun kagaling, I still have to learn a lot pag-dating sa pagsusulat, pero the fact na binasa niyo ang stories ko, super pinasaya niyo po ako!

The reason why I first posted the 'How's and About's of The Bachelor Prince Series' is for you to know kung ano ba ang pinagdaanan ng first story ng first series kong ito. Well, sa mga hindi interesadong malaman, you can go straight to the Prolouge of the story ;) Don't worry, that was fine with me.

Bale parang ginaya ko lang yung ginawa ni blacklily sa 'Their Life, Their Story' niya. Pero hindi naman ito compilation ng about's sa mga stories ko gaya ng sa kanya, dahil the story behind Jerome Alvaro of Alvaro Brother's lang ang isisiwalat ko dito since siya naman ang una. Yung tungkol sa mga susunod sa kanya sa series na to; well dun ko na lang iku-kwento sa sarili nilang story :)

So, let's get this started??

---->>>The How's and About's of The Bachelor Prince Series.

The Plot:

Kelan nga ba nabuo ang plot ng story tungkol kay Jerome Alvaro para sa Bachelor Prince Series?? Hhhhmmmm..... Ganito yun, nabuo siya nung second year college pa ako. Year 2011 if I'm not mistaken. Nauna talaga nabuo ang plot, tapos lapat ng characters then the title. Entry sana siya for PHR, kaso, na-writers block ako ng pagkkkaaaa-tagal-tagal. Hindi ko alam kung bakit. Pero ayun ang rason kung bakit na-stock sa taguan ang notebook na pinagsuslatan ko. Nag-stop ako sa chapter 4. Hindi ko din maintindihan kasi buong-buo na yung story sa utak ko eh. Ayoko namang pilitin siyang isulat while I'm suffering from a writer's block kasi baka maging boring yung story o kaya pumangit. Few months ago nag-simula ng bumalik sa tamang huwesyo ang utak ko para sa story na ito. At ginanahan talaga akong isulat siya this time! (Sinusulat ko po muna kasi bago ko i-publish or i-type eh ;) )

The Setting:

Kadalasan sa mga stories na tungkol sa mag-kababata eh mga laking probinsya. Well, I make a little difference with this story. Dahil ang mga cast ay laking Maynila. Magkababata silang sa siyudad sabay lumaki. I used Quezon city as their hometown, wala lang, gusto ko lang na dun. Then Alabang for Faye's condo, alam kong nag-kalat dun ang nag-gagandahang units eh. Hehe.

The Characters:

Jerome 'Aldo' Alvaro- actually, Juancho dapat yan. Mahilig kasi ako sa mga guy's na may mabantot na pangalan pero gwapong description eh. Kaso, by the time na binubuo ko yung plot eh nagka-crush ako sa barkada kong si Jerome Licuanan. Kaya Jerome na lang ang ginamit kong name, dedicated sa kanya :) hehe. Yang nickname naman na Aldo eh nakuha ko sa movie na 'Your's, Mine and Our's'. Ang cute lang kasi nung batang si Aldo dun eh! At ang Alvaro naman na surname ay gawa-gawa ko lang. May ka-churchmate kasi kaming Alvarez ang apelyido, para maiba, inalis ko yung 'E' at 'Z' at pinalitan ng 'O' sa dulo. Kaso later on, nalaman kong nag-e-exist talaga ang mga may apelyidong Alvaro! At isa pa sa mga kabarkada ko ang may middle initial nun. So ayun, natawa na lang ako. Hehe.

Faye Lian Lopez- "Faye" comes from Kristine Hermosa's character name sa Enteng Kabisote, "Lian" is from Xian Lim, ginawa kong Lian kasi baduy naman kung Faye Xian Lopez diba?? And "Lopez" ang apelyido dahil sikat ang surname na yun ^_^

Yung name ni Cielo at Daniel, dun ko na rin ikukwento sa sarili nilang story. Kay Jerome at Faye muna, tutal sila naman ang lead dito eh. Yung mga extra character's, echos na imbento ko lang ang name ng mga yan. Hehehe.... :)

The Title:

What's with the title?? Hehe. Ahm, mahina po kasi talaga ako when it comes to constructing a catchy title. Sabi ko nga sa inyo, last kong naisip tong title eh. Alam niyo yung tipong buo na yung plot, meron ng character name's pero di mo maisip-isip yung title?? Asar lang!! The first title of this story is; The Alvaro Brothers: The Superstar; Jerome 'Aldo' Alvaro. Oh diba?? Haba! But then naisip kong ilagay na lang siya sa isang series. So there come's the Bahelor Prince thing. Bahelor Prince kasi puro sila bachelor. Opo, si Jerome, Cielo at Daniel ay hindi teen-agers or tween's, they are bahelors at ngayon pa lang po, pinapauna ko ng sabihin na I've put B.S sa story na to. Don't worry, hindi ako ganun ka-brutal mag-elaborate ng B.S ;) Those who didn't know the meaning of B.S, well, bastos na salita po iyan. Haha!! Di joke langs, ahm, Bed Scenes po.... kaya sa mga pasaway na Bagets na alam kong ma-cu-curious at babasahin at babasahin ang B.S part, mabubulag kayo >_< dejoke lang uli. Hehe. Hinay-hinay lang sa pag-babasa mga ading ha?? At HUWAG pong gagayahin, maliwanag??

So that's all, hope you would love reading the TBP Series, at sana mahalin niyo rin ang mga Alvaro... after the story of this three siblings, may kasunod na po ang Alvaro Brothers pero wala pang plot ^_^ TBP Series: The Fontalejo Heirs. Tungkol sa mga nag-kikisigang mag-pipinsan na tagapag-mana ng mga Fontalejo :D hihi... at magsisimula ako kay Fortunato Joaquin 'Forth' Fontalejo. Sana abangan niyo din to. ;)

At bago ko po makalimutan, yang cover po pala, si Jerome po ang nasa gitna. And credits sa gumawa ng napaka-gandang cover na iyan, to my very dear friend and sister, Amedrianne. Hindi ko na babanggitin ang buo niyang pangalan kasi baka kalbuhin niya ako -_- hihi...

Love lots;

MsMhae

TBP Series: Alvaro Brothers; &quot;Jerome Alvaro&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon