"CHAPTER THIRTY-Closure"

49 1 0
                                    

The Author:
Like I've said, sa Chapter Thirty na po magtatapos ang storya ni Jerome at Faye. Maraming salamat sa lahat ng sumama at sumuporta sa first part ng The Bachelor Prince series

Lubos na nagmamahal;
MsMhae

•x•x•x•x•

Faye's POV.

Sabado.
Kasalukuyan akong nasa grocery store para mamili ng ilang kakailanganin sa bahay. I usually do the grocery kahit pa may kasambahay naman ako. Mas gusto ko kasi na ako ang personal na namimili ng mga kailangan namin.
Nasa bahay ngayon ang mga magulang ko. Hindi pa sila umuuwi simula nung birthday ni Olivia. Pati ang mga magulang ni Jerome ay nasa amin din. Ayos lang naman dahil kahit papaano ay may nakakasama kami ni Via.
Pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Jerome ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi rin siya sumipot nung party kinagabihan. Sinabi lang sa akin ni Cielo na may importanteng bagay lang na kailangan niyang ayusin kaya hindi na siya makakapunta.
Nadismaya ako. Gaano ba ka-importante ang bagay na iyon para ipag-paliban niya ang pag-punta sa birthday ng anak niya? Ah. Baka naman kasi ang importanteng bagay na iyon ay tungkol sa anak nila ng babaeng iyon?
Ipinilig ko ang ulo ko. I don't want to welcome any thoughts about him and that girl.
Nasa helera ako ng fresh milk products ng mahagip ng cart ko ang isa pang cart. Bahagyang umatras iyon dahilan upang masagi ang babaeng may hawak sa cart.
'Oh I'm sorry!' Bulalas ko sabay tutop sa aking bibig. Napalingon naman sa kin ang babae. 'Krisha?' Sabi ko ng makaharap siya sa akin.
'My! Faye! Long time no see!' Bakas din ang pagkagulat sa kanyang mukha sa aming hindi sinasadyang pagkikita.
Lumapit ako at yumakap sa kanya, niyakap din niya ako pabalik.
'What are you doing here?' Tanong ko ng matapos ang pagyayakap namin.
'As usual, work. We're having a photoshoot near hear and I decided to get some groceries for the team.' Masigla at nakangiting aniya.
Tumango-tango ako. So dito pala sa Pilipinas ang shoot nila ngayon? Kaya ba napauwi din si Jerome? Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maisip na baka nga ang trabaho ang dahilan ng pag-uwi niya.
'How thoughtful of you.' Sabi ko.
Luminga-linga siya sa aking likuran na para bang may hinahanap.
'Where's Jerome? Is he with you?'
I shook my head sadly. Pero may bahid din ng pagtataka na tinignan ko siya. Why did she sounded like she doesn't know what happened to the both of us? 'Oh well, I haven't seen him for a long time too. Since he left the modeling industry, I hadn't had a serious talk with him for over what, almost two years I think?'
I was taken aback of what she said.
'Left the modeling industry?' Hindi ko alam na naisatinig ko ang katanungang iyon.
'Yes. Just a few month after you decided to went back here in the Philippines, right? He said he wanted to focus on you, specially because you are pregnant. Such a sweet and compassionate husband. I wish I can have one someday.' She said dreamily.
Tuluyan na akong natigilan. Totoo ba ang mga sinasabi ni Krisha? Kung ganun, where is he after all those years? Natitiyak kong wala siya dito sa Pilipinas.
Oo at sinamahan niya ako sa Greece hanggang sa manganak ako. At hinatid din niya ako sa Pilipinas. Pero pagkatapos nun ay bumalik na siya sa U.S. dahil na rin sa pagtataboy ko sa kanya.
Did he live with that woman?
Napatiim bagang ako sa naisip. Maraming tanong ang biglang sumulpot sa isipan ko. They flooded into my mind that I suddenly feel dizzy. Napahawak ako sa aking noo.
'Faye, are you okay?' Naka-alalay kaagad si Krisha sa akin.
Sumenyas ako sa kanya habang kinakalma ko ang aking sarili.
'I'm.... fine. But I have to go Krisha. It's nice to see you.'
Nag-paalam na ako sa kanya. Hindi ko na rin itinuloy ang pag-go-grocery ko. Nagmamadali akong lumabas at nag-tungo sa naka-park kong kotse sa di kalayuan.
Mabilis ang aking pag-hinga habang nakatulala ako sa kawalan.
Why I suddenly felt like this?
'Tama naman ba ang mga pinaniwalaan mo after all those years, Lian?'
John Rey's question popped up unto my mind.
Jerome quited his long-time career? Why? Did he really do that for me?
May mga luhang naglandas sa aking pisngi. Kung totoo ang lahat ng iyon at tama nga sila John Rey sa sinabi nila sa akin. Then what? I am wrong?

TBP Series: Alvaro Brothers; "Jerome Alvaro"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon