++++++
Faye's POV.
I inhaled the fresh air coming from the ocean. Pasado alas-nuebe na kami nakarating ni Jerome sa resthouse niya sa Subic. I sigh. Sobrang ganda ng paligid. Tama nga si Jerome, dapat ay nag-u-unwind din ako paminsan-minsan,
'You like the view?' Lumingon ako sa kanya. Nakasandal siya sa pinto ng balcony. He looked very handsome with his blue beach shorts and a pink polo na nakabukas ang dalawang butones, revealing his broad chest. Nililipad ng hangin ang may kahabaan na niyang buhok. Nakahalukipkip ang dalawang kamay niya sa bulsa niya.
'I don't like it.' Sagot ko. I looked back to the spectacular view of the sea. 'In fact, I love it.' Dagdag ko pa.
Narinig ko siyang nagpakawala ng buntong-hininga.
'Hew! Akala ko di mo nagustuhan eh.' He said in relief tapos ay lumapit siya sa kin.
'Kelan mo nabili tong resthouse?' Ako naman ang nag-tanong.
'Nung unang bakasyon ko dito since I went to U.S. Ayoko talagang sa bahay umuwi kaya bumili ako ng property kung saan malayo sa bahay, at sa city. I really needed a place na mahihingahan ng mga panahong iyon, then a friend recommend this rest house. And without a second thought, binili ko to agad. Kaso di na ako nakabalik ulit dito after that vacation, naging sobrang busy na kasi ako.' Aniya habang nakatanaw din sa dagat.
'You've been gone for a long time, na-miss mo siguro ito?' Comento ko.
'Yeah. Na-miss ko nga ito.' Bumaling siya sa kin. 'Gutom ka na ba? Let's eat.' He smiles his sweetest smile at me.
I stopped. Pakiramdam ko ay nag-rigodon ang puso ko ng makita ko ang ngiti niya. That's weird. I never felt that way before...
'Somethings wrong?' Nagtatakang tanong niya.
'Wa-wala! Tara, kumain na tayo.' I forced a smile tyaka nauna ng lumakad.
Mabilis naman siyang humabol sa kin at inakbayan pa ako. Lumayo ako sa kanya dahil nag-si-simula nanamang mag-wala ang puso ko.
'Pu-pwede ba Jerome?!' Pa-galit na asik ko sa kanya.
Sa totoo lang, hindi naman ako naiinis sa kanya, mas naiinis ako sa nararamdaman ko tuwing malapit siya.
'Tsss.... ang sungit mo naman!' Umiiling-iling siya tyaka kinabig uli ako para akbayan. 'Paakbay lang. Ang sarap kasi umakbay sayo eh.'
'Aldo...'
'Aisht! Ang bagal mo mag-lakad! Gutom na ako!'
Napasigaw ako ng biglang pangkuhin niya ako at dalhin sa cottage malapit sa rest house. Doon niya kasi pinahanda ang lunch namin.
'Nakakainis ka naman eh! Nambubuhat ka na lang basta-basta! Ni wala kang pasabi!' Pinagpapalo ko siya sa dibdib dahil sa inis ko habang nakayuko ako. Pakiramdam ko eh pulang-pula ako dahil sa ginawa niyang pag-buhat sa akin.
'Oh, oh, tama na! Ouch! Enough darling!' Sigaw niya habang sinasangga niya ang kamay ko na ipinapalo ko sa kanya. 'Faye, enough! Sorry na sorry na!' Patuloy na saway niya sa kin hanggang sa mahawakan na niya ang mga kamay ko.
Sinalubong ko ang tingin niya.
'Sorry na kasi, okay? Nagugutom na ako at ang bagal mo mag-lakad kaya binuhat na kita.' Aniya habang hinahagod niya ang batok niya.
'Che!' Pagalit pa ring singhal ko sa kanya.
'Tignan mo to, nag-so-sorry na nga ang tao diba? Kumain na nga lang tayo. Masarap ang mga niluto ni manang.' pag-iiba niya ng topic tapos ay bumaling siya sa mesa.
BINABASA MO ANG
TBP Series: Alvaro Brothers; "Jerome Alvaro"
RomanceMaraming taon na ang nakalipas simula ng makita ni Faye ang kababatang si Jerome, a.k.a Aldo. Noon ay bata pa sila at palagi niya itong tinutukso ng 'lampa' at 'payatot'. Ngayong muling nag-krus ang landas nila ay marami na ang nag-bago dito. Nagin...