+++++
A.N. We're on our 7th to the last chapter!
Please keep on supporting the TBPS! Vote for this chap if you like it. Hope you do. Enjoy reading!!**********
Faye's POV.Isang linggo na akong hindi pinapansin ni Jerome. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ikinagagalit niya. Yes it was wrong na nag-lasing ako. But the way he act para bang mas mabigat ang kasalanan ko sa kasalanan niya sa akin. Siya nga ay lantarang nakikipag-flirt sa co-model niya.
Masisisi ba niya ako if I acted that way? I was hurt, and I need to escaped from the pain I was feeling that moment.
I was jealous. Really jealous.
'So what's up with your husband now? Anong drama niya at nagkakaganyan siya?' Inis na tanong sa kin ni Macy.
I am currently talking to her via skype.
'I really don't know. Hindi niya ako pinapansin ni kinakausap. Kung kakausapin man niya ako tipid lang ang sasabihin niya.'
'Did you talk to him already?'
Umiling ako. Eh paano ko nga naman kasi kakausapin ang asawa ko kung iniiwasan niya naman ako? I tried talking to him once pero napahiya lang ako ng sabihin niyang;'I'm in a hurry. Mamaya na lang.'
Sumama ang loob ko pero hinintay ko pa rin na dumating siya ng gabi para magka-usap kami. Ang kaso, tumawag siya at sinabing tatapusin nila ang shoot sa araw na iyon kaya kailangan niyang mag over-time.
'Seriously, kailangan niyong mag-usap.'
Huminga ako ng malalim. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. Nagsisimula pa lang ang marriage life namin, bakit parang unti-unti na itong nasisira? Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa na sa tuwing susubukin namin na magka-sama ay may mga bagay na naglalayo sa amin?
'Macy, hindi ba talaga kami para sa isa't-isa? I mean, why is this happening? Kung kailan naman na mag-asawa na kami, saka pa nangyayari to.' Naiiyak na tanong ko kay Macy.
'Faye... mis-understanding lang yan. For sure mapag-uusapan niyo yan.' Macy tried to calm me. She look worried now.
'I hope so...'
'Nothing will happen if you won't talk to him. Kung galit ka at galit din siya, walang patutunguhan yang relasyon niyo. Someone needs to lower down that pride. At kung hindi siya iyon Faye, go ahead and be the one. Hindi naman siguro masama iyon.' Napaisip ako sa sinabi ni Macy.
She has a point. Pareho kaming nagpapataasan ng pride ni Jerome. He won't talk to me and I don't want to talk to him kaya nasa miserable kaming sitwasyon ngayon.
'What will I do?' Sa ngayon, wala akong maisip na magandang gawin kundi ang kausapin siya.
'Prepare a dinner for him. Pamper him. Then talk to him. That simple Faye! Hindi mo kailangan ng bonggang plano para suyuin ang mister mo.'
Alright. Guess I need to do this to put some sense to this marriage. Mahal ko ang asawa ko at nasasaktan ako na makitang bumabagsak ang marriage namin. I need to do something for it.
'Okay Mariellie, I'd take your advice.' Maya-maya'y sagot ko kay Macy.
'Stop calling me Mariellie!' Inis na sigaw niya. I laugh. She really hates her real name.
'What? I am not allowed to call you in that name but your doctor can call you Ellie?' I asked rediculously.
'Mas may class naman ang tawag niya sa akin no! And, Forth is not my doctor.' Depensa pa nito.
Tumaas ang kilay ko. 'Really? Ano mo siya, lover?'
'Che! Faye Lian, ayusin mo na ang buhay may asawa mo bago mo ako putaktihin ng mga tanong mo tungkol sa min ni Forth. Go!'
Tumawa ulit ako. Hindi ko talaga ma-gets itong si Macy. Siya itong nagku-kwento sa kin ng tungkol sa kanila ng Forth na iyon tapos pag inaasar ko naman siya dito ay napipikon siya.
'Fine, fine. Hoy doktora, umayos ka diyan ah.'
'Oo na nay. Sige na, have to sleep. Late na dito. Bye!'
'Bye.' I turn off my skype account and close my laptop.
Tumayo ako at tinungo ang kusina.
I made up my mind. Kakausapin ko na si Jerome. Magluluto muna ako at saka ko siya pupuntahan sa shooting niya today. I will surprise him. Hindi ko na kayang makipag-matigasan pa sa kanya. If he thinks it was my fault, then ako na ang mauunang makipag-bati at mag-sorry sa kanya.
I won't just sit and watch as our marriage fall. Hindi maaari, hindi ako papayag.
Ipinagluto ko siya ng paborito niyang pagkain. Pag-tapos kong maghanda ay nagbihis na ako at umalis para puntahan siya.
Habang nasa sasakyan ay kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Jerome. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang ihinanda ko.
Nagmamadali ang mga hakbang ko pagka-baba ko sa taxi.
Tuloy-tuloy ako sa lugar kung nasan si Jerome. Alam ko ang venue nila ngayon dahil may kopya din ako ng list of activities ni Jerome. Weekly ibinibigay sa akin iyon ni Krisha.
BINABASA MO ANG
TBP Series: Alvaro Brothers; "Jerome Alvaro"
RomansaMaraming taon na ang nakalipas simula ng makita ni Faye ang kababatang si Jerome, a.k.a Aldo. Noon ay bata pa sila at palagi niya itong tinutukso ng 'lampa' at 'payatot'. Ngayong muling nag-krus ang landas nila ay marami na ang nag-bago dito. Nagin...