"CHAPTER ONE- Nightmare"

139 4 0
                                    

HOLLYWOOD, USA

"tol she's a nightmare! Grabe, baka mamatay ako dito dahil sa kanya!' gigil na gigil si Jerome habang kausap ang kapatid na si Cielo sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang pad.

"Umuwi ka kaya muna kuya." Sagot ng kanyang kapatid.

"Oh yah, uuwi talaga ako diyan sa Pilipinas dahil baka paulanan ako ng bala ng machine gun ng Briena na yun!! Nakakainis! She's totally crazy!" inis pa ring sagot niya.

"Chickboy ka kasi, ayan tuloy ang napala mo. Ibababa ko na tong phone kuya, may meeting pa akong aasikasuhin."

Pag-katapos makipag-usap sa kapatid ay tinungo niya ang banyo. He needs a cold shower para matanggal ang init ng uloniya at mahimasmasan siya.

Pasado alas-dyes nan g gabi. Tinawagan niya si Cielo na nasa Pilipinas dahil mainit ang kanyang ulo sa ex niyang si Briena at kailangan niya ng mapag-ku-kwentuhan.

Briena was a Hollywood actress. Nakilala niya ito sa isang fashion gálá ng isang clothing line kung saan kasama siya sa mga rumampa para sa men's formal wear.

Briena was a good flirt. Just by the moment they first met ay may nangyari na sa kanila. Tapos nalaman na lang niya na i-nanounce nito na mag-nobyo sila. At first he thought that everything about between the two of them is just a game. Iyon naman ang kadalasang nangyayari sa kanya simula ng pasukin niya ang mundo ng pag-momodelo. There's no serious relationship happen to him with any girl that he met. Nagigising na lang siya na may babae siyang kayakap at katabi. The next thing he knew, nawala na rin na parang bula ang mga babaeng yun at hindi na nagpakita pa sa kanya o tumawag man. He didn't even remember their name's for Pete's sake!!

Pero si Breina, ito ang babaeng itinuturing niya ngayong worst nightmare ever! He didn't love her. He didn't feel any deep affection for her. Kaya naman by the time he got bore with her company ay iniwasan na niya ito.Pinaliwanagan niya ito noon na things wont work out for the two of them together. Ngunit masyado palang hibang sa kanya ang bruha! Ngayon ay kung ano-anong pag-babanta at pangba-blackmail ang ginagawa nito just to win him back.

Pero hindi siya makapapayag na ito ang manalo sa kanilang dalawa. He had to do something to get out of that mess.

*****

'Faye Lian Lopez!' gulat na napa-angat ng tingin si Faye mula sa pagre-review ng income report na ipinasa ng kanyang sekretarya. Nasa loob siya ng opisina ng Love & Scents. Ang Love & Scents ay isang perfume shop na kanyang ipinatayo ng matapos siya sa kursong Business Management sa isang unibersidad sa Italy. Ang mga magulang niya ang tumulong sa kanyang makapag-patayo ng negosyo niya na ngayon ngay meron ng limang branch sa iba't-ibang mall sa loob at labas ng Maynila. Matagumpay niyang napa-lago ang negosyong pinapanarap niya.

'Ano ka ba Macy! Aatakihin ako sa puso sa dahil sa ingay mo!' Napapalatak siya. May kutob na siya kung bakit parang galit ang kanyang kaibigan sa kanya. Hindi nanaman kasi niya sinipot ang date niya ng nag-daang gabi.

'Faye naman, inindian mo nanaman ang date mo! Aba'y napakatinong lalaki na nung si Edward! Alam mo bang maraming babaeng nag-aagawan sa atensyon nun?' Anitong ang tinutukoy ay ang dapat sana'y ka-date niya.

'Kasi naman, sabi ko ng tigilan niyo na ang karereto ng lalaki sa 'kin dahil wala akong gusto sa mga iyon eh!' Padabog na sagot niya.

Iiling-iling si Macy at masama ang tinging ipinukol nito sa kanya.

'Your so hopeless girl. Ikaw na nga tong tinutulungan para magka-love life, ikaw pa tong choosy! Tignan mo nga yang sarili mo, I admit that your the most beautiful in our group pero sa tin ba namang apat eh ikaw pa tong walang b.f?! Faye naman! Si Nadia nga hayun at busy-busihan na para sa kasal niya.'

TBP Series: Alvaro Brothers; "Jerome Alvaro"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon