"CHAPTER TWO- Back For Good"

114 4 0
                                    

+++++

A.N. sasamantalahin ko na ang pag-u-update before I got busy. May dalawang major exam kasi akong pag-hahandaan by the month of October eh. And I need to review. Pero sisikapin ko pa ring mag-update kahit pa busy ako para di kayo mabitin sa story :)

~~~~~~~~~~

'I told you kuya, you can stay in my condo if you want.' Ani Cielo habang ipinapasok nito ang sasakyan sa kanilang tahanan sa isang exclusive subivision sa Quezon city. Doon sila lumaki at nagka-isip.

Labag man sa kalooban ay pinili na lamang ni Jerome na doon tumuloy kesa abalain pa ang kapatid niya. Alam niyang may sarili na itong buhay. Malaking abala na nga ang ginawa nitong pag-hahanda sa kanyang pag-babalik. Kaya't nais niyang magkaroon naman ito ng privacy pag-uwi nito sa sariling tahanan kesa sa inaasikaso siya.

Hindi na rin niya piniling mag-check-in sa hotel dahil baka masundan siya ni Briena. Alam niyang marami itong koneksyon kaya hindi malabong mahanap siya nito sa oras na mag-check-in siya sa isa sa mga luxury hotel sa Manila.

'Its okay tol. Ayos na ako dito.'

'Okay. If that's what you want. Malinis pa rin ang buong bahay, I always make sure na may mag-lilinis dito. Ipinaayos ko na rin ang kwarto mo. I also asked my personal made na samahan ka dito. Binilinan ko nga pala siyang mag-luto so you don't have to worry for your food tonight.' Mahabang paliwanag ng kanyang kapatid.

'Cielo, hindi ako baby, okay? Don't be too paranoid. I've been alone for several years and I can take care of my self.' He said, matter-of-factly as he tries to supress his laughter.

'Oh, pardon dear brother. I was just concerned because I know you already live a different life in U.S.' he said, raising his right brow at him.

'Why, I appreciate your effort bro. Thanks, but no thanks. I can manage my self. So relax.' Aniya at tinapik ito sa balikat.

'Sinabi mo eh.' Nagkibit-balikat na lamang ito.

Habang papanhik sila sa kanyang silid dala ang kanyang mga gamit ay may naalala siya.

'Tol, si Tambelena? Kamusta siya?' Tanong niya sa kapatid.

'Who? Faye Lian Lopez, yung unica hija nila tita Ada?' Kunot-noong balik-tanong nito sa kanya.

'Yeah. Where is she?'

'Tha last thing I heard about her eh may sarili na siyang perfume business. Love and Scents if I'm not mistaken. Sa Alabang na siya nakatira. She owns a condo there.' Sagot nito.

Napangiti siya ng maalala ang mga pangungulit at pang-aasar ni Faye sa kanya noon. Ano na kaya ang itsura ng kanyang kababata ngayon? Natitiyak niyang lalo pa itong gumanda. Noon pa'y lihim na niya itong gusto, kahit pa madalas ang pang-aasar nito sa kanya ng 'lampa' at 'payatot'.

Naka-isip siya ng ideya. Pupuntahan niya si Faye at sosorpresahin niya ito.

Kinulit-kulit pa niya ang kapatid upang makuha ang eksaktong kinaroroonan ni Faye. Ng makakuha ng sapat na impormasyon ay hinayaan na niyang maka-uwi ang kapatid.

First thing he would do in the morning was to surprise her. Excited na siyang makita uli ito.

*****

Faye's POV.

'Tambelena!' Napalingon ako sa aking likuran.

Kabababa ko pa lang mula sa condo unit ko dito sa Alabang.

Nagulat ako ng paglingon ko ay si Jerome ang makita ko na tumawag sa akin. He's walking towards me.

I froze. Para akong itinulos sa king kinatatyuan ng makita ko siya.

TBP Series: Alvaro Brothers; "Jerome Alvaro"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon