Chapter Six

13 2 0
                                    

CHAPTER 6- Weird Feels

AFTER naming kumain ay nag-aya naman silang maligo sa dagat, nandito kami ni Rhea sa Kwarto at naghahanap ng masusuot panligo, habang ako ay balisa at natulala pa habang iniisip ang nakita ko kanina kanina lang.

"What's with that face?" Pagpuna sakin ni Rhea.

"Nothing." Ngumuso ako at nailing sa kanya.

She rolled her eyes. "Oh come on..tell me," pangungulit niya.

I sighed.

"I think I'm going crazy..." Tumingin ako kay Rhea, nangunot naman ang noo niya at nagtaas ng isang kilay.

"What?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "I guess nama-malikmata lang ako kanina..at kung ano ano nalang ang nakikita na hindi dapat makita." Bumuga ako ng hininga at umiling iling sa sarili.

"What? Don't tell me, may nakita kang multo?" Napatayo si Rhea at nanlalaki ang mata, di na mapakali.

Akmang lalabas pa ng kwarto at balak pa akong iwan. I rolled my eyes.

"Multo my ass! Iba ang nakita ko, kumalma ka nga dyan." Untag ko na kinatigil niya at binitawan ang doorknob at bumalik sa kanyang kama at naupo.

"Oh e ano naman ang nakita mo kung ganun?" Tanong niya at tinaas baba ang kilay.

Matagal akong di naka imik bago nag angat sa kanya ng tingin.

"I saw him...though I'm not sure," Mahinang pagkakasabi ko at bumagsak ang tingin sa mga kamay ko.

"You mean...ahm, Rui?" Alanganin pa siyang banggitin ang pangalan na yun.

Tumango ako sa kanya. "Yeah. Kanina habang nasa balkonahe ako at tinatanaw ang magandang tanawin at nahagip ko siya ng tingin na naliligo sa dagat, pero di ko sure kasi medyo malayo yung dagat dito, napatalikod ako sa kaba at ng nahimasmasan ay tumingin ulit ako kung saan ko siya nakita pero bigla nalang nawala so baka nga guni guni ko lang.."  Kwento ko kay Rhea at bahagyang natawa pa.

Oh god. Ito na yung kinatatakutan ko, yung muli niyang sakupin ang isip at puso ko kahit hindi pa nga kami nagkikita. I'm crazy again.

Napabaling ako kay Rhea ng bumuntong hininga ito.

"Sign yan ng mga hindi pa nakakapag move on...laging iniisip kaya ayan kung ano ano na tuloy ang n-nakikita mo dyan..." Naiiling na aniya at tumawa pa bago nag iwas sakin ng tingin.

"Come on...I'm sure hinihintay na tayo, mauna na akong magbihis," Aniya at daling pumasok sa banyo.

Naiwan naman akong tulala pa rin at iniisip ang nakita kanina. The fuck Serrah? Hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang yun? Dahil guni guni mo lang naman yun at hindi totoong nandito nga siya.

Mariin akong umiling iling para iwasiwas ang mga walang kwentang naiisip na pilit sumisiksik sa utak ko.

Pagkalabas ni Rhea ay agad na rin akong pumasok sa loob ng banyo para makapag palit na rin.

Isang itim na pares ng two piece ang sinuot ko at sinapawan ko ng maikling short at sa pang itaas ay isang see through, balak mamaya ng hubarin pag nasa dagat na talaga.

"Tara na, mga excited na sila" Ani Rhea pagkalabas ko.

"Yeah yeah.."

Lumabas na kami at bumaba na, naabutan sila sa sala na naghihintay samin.

"Sa wakas! Ligong ligo na ako e!" Si Haze at nauna pang lumabas ng bulwagan ng rest house habang kami ay sumunod na.

"Picture tayo!" Flor at nilabas ang cellphone at inang-gulo ang camera ng cellphone nya.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now