Chapter Twenty-Eight

16 0 0
                                    

CHAPTER 28- Heavy feelings?

~~~~~~~~~

~Ana's POV~

"Nakaalis na sila..binigyan pa tayo ng problema, Hays." Si May, kababalik lang kasama si Xian na boyfriend ni Lucy.

Mga hindi na kami mapakali, kita namin ang pag alaala nina Tita Anya at Tito Arturo nang biglang nawala si Serrah.

"What now? Sasabihin ba natin?" Balisang untag ko.

"Hindi tayo magsasalita. Nangako si Rui na haharapin nya ang magulang ni Serrah kaya problema niya na yun. Ang gawin nalang natin is pakalmahin natin sila at i-komfort." Ani May, seryosong seryoso dahil sa salubong nitong kilay.

"Iba rin trip ni Rui noh..tsk. Sana lang matapos na ang problema nila." Naiiling na sabi ni Lucy.

"We all hope that. Sinusubok lang talaga sila." Si Flor at bumuntong hininga.

Nailing lang ako at lumapit sa parents ni Serrah.

"Tita..." Usal ko bago siya niyakap ng mahigpit.

"Magiging maayos din ang lahat." Bulong ko.

"S-si Serrah? Nasaan ang a-anak ko?" Humihikbing tanong niya, kaya naman hinagod hagod ko ang likod niya.

"Shhh...babalik din po siya." Nasabi ko nalang.

"B-bakit siya biglang nawala? Saan siya pupunta? Alam mo ba kung anong pina-plano nya?"

Napabuga ako ng hangin, nahihirapang sagutin ang mga tanong niya.

"H-hindi ko alam..pero naniniwala akong babalik naman siya, at nasa m-mabuting kamay siya."

"H-huh? What do you mean? Mabuting kamay? Sino?" Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng deretso.

Pumikit ako ng mariin at umiling iling. "M-magtiwala nalang po kayo kay Serrah..." Tanging sinabi ko nalang at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Mauuna na po ako, Tita.. huwag nyo pong pababayaan ang sarili niyo." Paalam ko bago siya talikuran.

"Ana! Saan ka pupunta?" Rinig kong tawag ni Flor.

Nilingon ko sila. "Uuwi na, bakit?"

"Teka..may sinabi ka ba kay Tita Anya?" Si Rissey.

Umiling lang ako. "Wala akong sinabi.." Umiwas ako ng tingin bago nagpatuloy humakbang palayo sa kanila.

Nakalabas na ako sa event hall ng may biglang tumawag naman kaya naman sinagot ko.

"Hmm? Yes? Ana's speaking." Bungad ko.

"Ms. Del Valle..I want you to know na gusto ka rin naming maka-trabaho, nabasa na kasi namin ang sinend mong story at nagandahan kami sa plot ng binuo mong kwento, paniguradong papatok sa mga tao. Magandang i-publish."

Natigilan ako sa narinig. Bigla nagising ang diwa ko at gusto kong magtatalon talon nalang at magtitili pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"O-oh..Really? Gustong gusto ko talagang mag trabaho sa company nyo. And I'm glad na nagustuhan nyo ang ginawa kong story." Tuwang sinabi ko.

"Yes, Ms. Del Valle. Pwede ka na ngang mag umpisa bukas." Ani ng babae sa kabilang linya.

Lumawak ang ngiti ko matapos makipag usap sa isang staff ng publisher company na gustong gusto kong pasukan at ngayon matutupad na yun.

Para akong tangang pangiti ngiti at kumakanta ng random song.

"La...la...la..yeah, yeah yeah."

Papasok na ako sa elevator ng biglang may tumawag sakin at nalingunan ko na tumatakbo palapit sakin si Flor.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now