Chapter Twenty-Six

23 1 0
                                    

CHAPTER 26- Goodbye.

*****

~Rhea's POV~

Matagal akong tumitig sa cellphone ko at nagdadalawang isip pa kung itetext ko ba si Kent para humingi sa kanya ng konting oras manlang para pag usapan ang ginawa kong katangahan para naman maibalik na namin ang dating kami, yung closeness sa isa't-isa, walang ilangan kumbaga. Ayokong iniiwasan nya ako, okay na nga sakin na maging kaibigan niya lang kesa naman sa wala, at least naging parte parin ako ng buhay niya kahit papaano.

My phone vibrate, I shook my head to wash my thoughts about Kent, sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Tinignan ko kung sino ang nag text at nagulat na si Rui pala.

I frown. Ano naman kaya kailangan nitong lalaking ito sakin?

Rui:

Rhea? Can you do me a favor?

Napataas ang kilay ko. At ano naman kaya yun? At bakit ako pa?

Me:

What favor?

Medyo kinakabahan din ako sa hinihingi niya.

Napapikit ako nang marinig na nag vibrate ang cellphone ko, dinilat ko ang isang mata ko at tinignan ang phone ko.

Rui:

Tomorrow is Kent and Serrah's civil wedding but I will make sure na hindi matutuloy ang kalokohan na yun kaya naman kailangan ko ng tulong nyo.

Paulit ulit kong binasa ang message niya bago tumingin sa kalendaryo. I didn't know na bukas na pala ang kasal nila Kent at Serrah, at tutol dun si Rui.

Aww so mahal pa talaga nila ang isa't-isa. Sana all. Gagawin ni Rui ang lahat para lang sa pag ibig niya kay Serrah. Nakaka-inggit, hays. Pero I'm happy for them, kahit ilang taon na ang lumipas ay mahal parin nila ang isa't-isa, yun talaga siguro ang true love noh? Sa panahon kasi ngayon iba na e. Papasok sa isang relasyon pero wala namang kasiguraduhan, walang nagtatagal dahil parehas nawala ang spark sa isa't-isa kaya nagpapasyang maghiwalay nalang, marurupok kasi kaya ayan maraming nasasaktan. Ang babata pa pero nakakaranas na nang sakit, sakit sa puso. Mga immature pa kasing mag isip, di pa naman kayang mag handle ng isang relasyon. Mabuti pa sina Rui at Serrah, kahit walang relasyong namamagitan pero nagkakaintindihan parin ang mga isip at puso nila. Sinusubukan sila ng tadhana nila pero di parin sila sumusuko.

So ano ngayon ipinaglalaban ko??? Hayyys.

Porket wala pa kasi akong jowa hanggang ngayon. Bitter lang. Di kasi ako mahal ng taong mahal ko kaya ito ang epekto. Ang drama ng utak ko.

Me:

Fine... since gusto kong bumawi kay Serrah. So anong maiitutulong ko?

Yes pumayag ako, gusto ko talagang makabawi manlang sa pagiging cold ko kay Serrah, at syaka best friend kami kaya naman bilang kaibigan niya dapat supportahan ko sila ni Rui.

Rui:

Thanks Rhea...and I know na ikaw ang pinaka-close kay Kent, pwede bang idivert mo ang atensyon nya kay Serrah? Pigilan mo syang makapunta sa kasal nila.

Halos lumuwa ang mata ko sa gustong manyari ni Rui. Like seriously? Magagawa ko ba iyon? Nanadya ba si Rui? Paano ko naman mapipigilan si Kent e hindi nga kami okay?

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now