Chapter Eighteen

19 1 0
                                    

CHAPTER 18- Distant and Tears

"Serrah...anong gusto mong gawin?" Tanong sakin ni May.

Nakatunganga lang ako sa kanyang salas matapos kung i-kwento ang magiging plano ni Kent pagkatapos ng kasal namin na gaganapin na sa linggo.

Kaninang umaga ay dito ko agad naisipang pumunta dahil ayoko muna sa bahay namin dahil feeling ko mababaliw lang ako sa sobrang boring samin, mabuti nalang na tyempuhan ko pa si May, nasaktong di sya papasok dahil may aasikasuhin pa siyang ibang bagay.

Nagkibit balikat ako. Dahil di ko alam kung ano ba gusto kong gawin sa ilang nalalabing araw ko na pinagkaloob ni Kent sakin dahil wala akong ganang mag enjoy habang papalapit na ang bangungot ko.

"Mag shopping tayo you want?" Aya niya.

Matagal akong di umimik, pinag iisipan ang pag aaya nya bago unti unting tumango, sign ng pag payag.

"Fine.." tipid kong sagot na kinangiti niya.

"Great! Magbibihis lang ako." Aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa, saktong tumunog ng pagkalakas lakas ang cellphone niya kaya naman sinagot niya na at agad na rin syang pumasok sa kanyang kwarto at muli akong naiwan.

Pinagkaabalahan ko nalang ang cellphone ko.

Kent:

   Nasaan ka? Wala ka daw sa bahay nyo.

Biglang message galing kay Kent ang dumating.

Nagsalubong ang kilay ko. Teka, may spy ba siya sa bahay tapos isusumbong sa kanya ang lahat ng ginagawa ko?

Balak ko sanang i-ignore nalang kaso may dumating na panibagong text mula sa kanya.

Kent:

   Okay okay fine... Just enjoy your day!

Napataas ang kilay ko at di na lang pinansin ang text nya.

Nag online nalang ako sa Facebook at nag scroll down lang, maya maya ay wala sa sariling nai-type ko ang buong pangalan ni Rui sa search section at agad kin-click ng makita ang mukha niya.

-I'll wait for you when everything is perfect for us.

Ang nakalagay sa bio niya, napahawak ako sa dibdib ko ng maramdamang kumirot ito.

Nag scroll down ako at wala naman siyang gaanong post ngayon hanggang sa may nakakuha ng interest ko.

Isang napakagandang babae ang kasama niya at mukhang nasa isang engrandeng party sila dahil sa mga suot nila, naka-gown yung babae at siya naman naka tuxedo na nagpa gwapo sa kanya, naka kapit sa kanya yung babae at may magandang ngiti ito sa camera, actually mukha nga siyang pang beauty queen e. Habang si Rui naman ay may seryosong mukha at di manlang nag abalang ngumiti sa camera, may hawak pa siyang baso ng wine at nakapa-mulsa pa.

Tinignan ko ang comment section ng makitang maraming comment ang picture nila.

-Omo. So bagay!

-That's Rujiel Brixxon right? Oh so yummy.

-Boyfriend mo na couz?
   Gabriella reply: Haha maybe soon..

-Ang ganda mo sis at ang gwapo naman nya! Ss sa inyo!

-Ang gwapooo, nakaka inlove
    Gabriella reply: opps, he's off limit!

-Ang swerte mo Bess! Bagay kayo

-Sagutin mo naaa haha
   Gabriella reply: Soon hehe..but he's already mine

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now