Chapter Thirty-three

22 0 0
                                    

CHAPTER 33- Unexpected Visitors

"Ivan..pwede ba akong sumama sayo mamaya sa pag harvest ng mga prutas?" Tanong ni Sarralaine kay Rui.

Napatingin naman si Rui sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay, nagbabanta na umayos siya at kumukulo na naman ang dugo ko dahil nandito na naman nag umagahan ang magaling niyang ex. 

Dalawang linggo na mahigit nang dalhin ako ni Rui dito sa province nila at ang muli rin nilang pagkikita ng ex niya. Simula nung payagan niya itong bumisita bisita ay mukhang nawili na ata ito dahil halos inaraw-araw na ang pagpunta dito sa mansyon para lang dito mag umagahan. Kapal lang ng mukha. Hanep din.

"Kung ganon ay sasama rin ako." Saad ko at ngumiti kay Elaine.

Napawi naman ang ngiti niya at napakurapkurap bago nakitaan siya ng pagka irita sa bigla kong sinabi.

Napa-smirk lang ako, hinuhuli ang tunay niyang kulay.

"Mainit dun Serrah..di mo kakayanin ang init at baka mangitim ka lang dun." Aniya at pinalambot ang ekspresyon ng mukha.

Di ko napigilan ang sarili na matawa sa pag kontra niya, and at the same time nainis sa pang i-insulto nito.

"E ano ngayon kung mainit dun? At syaka di mo na dapat pang problemahin ang balat ko, I can handle my skin. Ang importante lang sakin ay mabantayan ko ang asawa ko sa mga may gustong magtangkang agawin siya sakin..you know what I mean." Nagkibit balikat ako at nagpatuloy kumain ng almusal.

"Serrah..." Tawag sakin ni Rui at hinawakan ang kamay ko bago ito hinalikan.

"What?" Maang-maangan ko.

He sighed before let out his smile. "Kinikilig ako." Bulong niya at niyapos ako.

Nailing ako at tinapik siya. "Umayos ka nga, nasa hapag kainan tayo." Saway ko dito.

Ngumuso lang siya at umayos ng upo. "You address me as your husband. My heart melt because of that." Bulong nya pa bago tuluyang lumayo sakin.

Natigil ako sa pag nguya at maang lang na tumingin kay Rui. May matamis itong ngiti sa mga labi.

Napatikhim naman si Elaine kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. May hindi na ito maipintang mukha habang umiwas ito ng tingin samin.

"Magc-Cr lang ako." Anito at biglang padabog na tumayo at nag martsa palayo.

"Hindi nya ata kinaya ang ka-sweetan mo sakin, Rui. Naiingit ata, baka gusto mong puntahan at suyuin? Feel free." Panga-aasar ko kay Rui.

Nawala ang ngiti nito at sinamaan ako ng tingin. "Here we go again. Stop pushing me to her, i don't like it."

"Why? Okay lang naman sakin e, matagal kayong di rin nagkita. Baka gusto nyang mag bonding kayo.." Patuloy ko at ngumiti sa kanya.

"I don't believe you..so don't push it. Let's eat peacefully, Serrah." Aniya at nagsalubong ang kilay, naging iritado na sa pang-aasar ko kaya naman nagkibit balikat nalang ako.

Kahit kailan talaga napaka pikon! Tsk.

"Okay..." At pinaglaruan ko ang pagkain ko.

Pero maya maya ay bumaling ulit ako sa kanya at gusto siyang asarin muli. Hays, ang cute niya kasing mapikon, can't help it.

"Pero seryoso, Rui..okay lang talaga–" Natigil lang ako sa pagsasalita ng bigla nya akong halikan ng mariin sa labi.

"Stop talking nonsense, please." Aniya ng pakawalan nya ang labi ko.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now