Chapter Sixteen

18 1 0
                                    

CHAPTER 16- Pain

"P-please.. don't do this to me. Ayokong mawala ka sakin.."

Paulit ulit nagre-replay sa utak ko ang pagmamakaawa ni Rui at ang pagtulo ng luha nito para sakin, na labis talagang nagpawasak sa puso ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko kung saan matatagpuan ang puso kong wasak na wasak na dahil sa ginawang pamamaalam sa kanya.

It's hurts like hell.

Akala ko magiging okay na ako pero mas lalo lang akong nawasak.

Bweset na pag-ibig, masarap maranasan pero grabe din ang ganti sa huli, pasasayahin ka muna pero bandang huli paluluhain ka parin.

Natawa ako ng maalala ko ang pinanuod namin ni ate Dein, yung dalawang bidang hindi naman nagkatuluyan kahit pa mahal naman nila ang isa't-isa pero mas pinili nila ang kapakanan ng iba kesa sa sariling kaligayahan, ang pananaw ko pa nun ay dapat ipinaglaban nila ang pag ibig nila sa isa't-isa kesa naman magpanggap pa na mahal pa nila ang kanilang kasalukuyang mga jowa kahit hindi naman na.

Dahil doon parang nakikita ko ang sitwasyon namin ni Rui, na mahal naman namin ang isa't-isa pero hindi pwedeng magkatuluyan dahil may madadamay kung ipagpipilitan namin  ang pag ibig namin sa isa't-isa kaya naman kailangan ng tapusin ang tagpong yun sa buhay namin, nakakalungkot lang.

"Serrah...ano ba kasing nangyari?" May asked, worried.

Natauhan ako at nilingon siya, kita ko ang paga-alala niya kaya naman binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Pupunta sina Ana dito...on the way na sila." Aniya.

I sighed. "Inabala ko pa kayo..."

"Ano ka ba okay lang noh...diba nga kung may problema takbuhan natin ang isa't-isa. Kaya naman nandito lang kami kung may problema ka ngayon kesa ikaw lang nagdadala nyan, mabigat yan Serrah kaya kailangang bawasan, handa naman kaming makinig e," Sabi niya at nginitian ako.

"Alam ko naman yun...at ang swerte ko lang dahil naging kaibigan ko kayo." Sabi ko at napangiti na rin, gumaan papano ang pakiramdam ko.

Matapos kasi ng engkwentro ko kay Rui ay dito ako dumiretso dahil ayoko naman ng abalahin pa si ate Dein kaya naman dito nalang ako makikigulo since malapit lang sa may bahay namin.

"Wait, tapusin ko lang ang niluluto ko para pagdating nila ay kakain muna tayo bago mo ilabas yang sama ng loob mo.." Paalam niya na kinatawa ko bago sya tinanguan.

Nang maiwan ako mag isa ay balik na naman ako sa pagkatulala at inaalala ang nangyari kanina.

Naramdaman ko na naman ang sakit ng maalala kung muli ang mukha ni Rui, ang sakit sakit na makitang lumuluha ang mahal mo ng dahil sayo pero wala kang magawa para pawiin ang sakit na nararamdaman nya nung mga oras na yun.

Basta ang alam ko lang yun ang nararapat kong gawin at mas nakakabuti para saming dalawa.

Natauhan lang ako ng marinig kong nag iingay ang door bell ng apartment ni May.

"Ako na magbubukas.." Untag ko ng akmang pupunta na si May sa may pinto, kaya naman inunahan ko na.

Pagkabukas ay napa atras ako ng bigla akong dambahin ng yakap ni Ana.

"Serrah!" Aniya at humalakhak.

"We miss you..." Si Rissey at yumakap din sakin.

"Aww..we heard what happen, Serrah. I know it's not okay to you." Si Lucy.

"Yeah..we are so worried, ngayon lang ulit tayo nag kita-kita dahil mga busy sa work pero pinilit namin ang araw na ito para kamustahin ka" Si Flor at ngumiti sakin.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now