Chapter Thirty-two

14 1 0
                                    

CHAPTER 32- Jealous?

"Serrah...sya nga pala ang kababata ko at naging ex ko..si Sarralaine Escobal."

Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko at literal na parang tumigil ang mundo ko ng marinig iyon mula kay Rui.

Parang gusto kong matawa ng malakas, iyong nakakalokong tawa.

Di ko kasi inaasahang makilala ko pa yung halos laman ng mga away namin ni Rui, at ang nakakainis ay para akong nan-liit sa sarili ko. Unang kita ko palang sa kanya kanina ay namangha na ako sa taglay niyang ganda and now malalaman kong siya pala yung babaeng tinutukoy ni Erin na ex ni Rui at meaning unang minahal ni Rui bago ako.

"A-ahm..hello," Napakurapkurap siya at binigyan ako ng ngiting di ko maintindihan kung totoo ba. "N-nice meeting you, Serrah..hehe at magkalapit pa mga pangalan natin ah, what a coincidence.." Aniya at kita ko ang bahagyang pag ngiwi niya.

"Ooh..yeah, nabanggit ka nga pala sakin si Rui kaya naman kilala na kita kahit papano," Untag ko at natawa.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak sakin ni Rui kaya naman sinilip ko siya at nginisihan.

May hindi na siya maipintang mukha. "Hey... let's go." Bulong nya sakin pero umiling ako.

Muli akong bumaling dun sa ex niya. "It's nice meeting you too.." at ngumiti ako ng matamis sakanya.

Napalunok siya at napatango bago inabot sakin ang isang plastic. "Ito na nga pala yung plastic para sa mga manggang kinuha mo." Aniya.

Kinuha ko naman ang plastic sa kanya at nilagay ang mga mangga. "Thank you nga pala sa mga mangga."

Tumango lang siya at umiwas sakin ng tingin.

Maya maya lang ay bigla siyang lumapit kay Snow White, yung kabayong dala namin ni Rui.

"Oh my...dala mo pala si Snow white, Rui. At hanggang ngayon malakas parin siya ah, nakakatuwa lang. Na-miss ko siya.." Aniya na bumaling kay Rui at nagtagal ang tingin nito kaya naman tinignan ko ang magiging reaksyon ni Rui sa tingin niyang yun pero napasinghap ako ng makitang mariin siyang nakatingin sakin.

"Hmm...alagang alaga kasi ng mga tauhan namin." Malamig na sabi ni Rui at saglit lang na tinapunan ng tingin si Sarralaine bago ulit ako pinagtuonan ng mga tagusang titig nito.

Kinuha nya sakin ang isang supot ng mangga para siya na ang magdala.

"Ahh..ngayon ko lang ulit nakita itong si Snow White at di na ako nakakadalaw sa mansyon nyo nung simulang maghiwalay tayo.." Biglang sabi naman ni Sarralaine na kinabaling namin sa kanya.

I saw how Rui gritted his teeth.

Nangunot ang noo ko. Don't tell me, apektado parin siya?!

Rui sighed. "Why? You can still visit the mansion. Welcome ka parin naman dun since naging close mo sina Manang Lou.." Si Rui. Natigilan naman si Sarralaine at bahagyang nanlaki ang mata.

"T-talaga? Pwede parin akong pumunta sa mansyon?" Si Sarralaine, umaliwalas ang mukha at may pigil na ngiti habang nakatunghay kay Rui. Nailing ako at palihim na umirap, dahil kita ko na agad ang mga kilos niya, ramdam ko na. At nasisiguro kong di parin ito nakaka move on kay Rui.

Kita ko ang pagtango ni Rui. "Yes. Kung kailan mo gusto. Simula bata pa naman ay daig mo pang nakatira na sa mansyon dahil lagi kang nagagawi doon, at syaka kahit matagal naputol ang komunikasyon natin ay mananatiling magkaibigan parin tayo, diba.." Untag sa kanya ni Rui.

Matagal di naka imik yung umaasa nyang ex, napayuko pa ito bago tumango tango.

Bumaling sakin si Rui at hinawakan ang kamay ko. "Mauna na nga pala kami...salamat sa mga mangga'ng binigay mo sa asawa ko."

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now