Chapter Twenty-two

18 1 0
                                    

CHAPTER 22- Stalker?

"Kent...come on stop, busog na busog na ako." Mariing sinabi ko at tinampal ang kamay ni Kent nang akmang maglalagay ito ulit ng panibagong kanin sa plato ko.

"Tsk...ang konti mong kumain, paano ka tataba nyan?" Bulong nya sakin.

Napairap ako. Duh, ang dami ko na kayang nakain simula kanina bago kami umalis ng bahay tapos napakain ulit ako ngayon dahil sa kakulitan nya, pinipilit ko na nga lang maubos dahil sayang.

"I'm so full...kumain rin kaya tayo kanina bago tayo umalis kaya naman puputok na ang tiyan ko sa dami mong nilagay, kaya ayoko na." Giit ko at umiling sa kanya kaya naman di nya na ako kinulit pa.

"Hoy Kent! Grabe ka uubusan mo pa ako ng menudo ang takaw mo!" Reklamo ni Kuya Renz.

"Sorry bro...gutom lang." Ani Kent at tumawa.

"Utot mo..na-miss mo lang rin ang luto nitong kapatid ko." Pang-aasar ni Kuya Renz na kinitigil ni Kent at napawi ang ngiti nito.

Napatingin ako kay Rhea, na nagulantang sa sinabi ng Kuya niya at biglang namula ang pisnge bago napayuko.

Ang nakakailang na atmosphere ay napalitan ng ingay dahil biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Renz kaya naman lumayo ito samin para sagutin ang tawag.

Kinuha ko ang cellphone ko para atupagin ang pagfa-facebook, pasulyap sulyap ako sa kanilang dalawa at nang sa ganon makaisip ako ng pwede kong gawin para sa misyon kong paglapitin sila.

Tumayo ako. "Ahm...magc-CR lang ako." Paalam ko pero tarantang tinawag ako ni Rhea.

"G-gusto mo samahan na kita?" Di mapakaling tanong sakin ni Rhea pero nginitian ko lang siya bago umiling.

"Hindi na..saglit lang naman ako, hmm maiwan ko muna kayo ah." Untag ko at agad ng tumungong pinto at lumabas.

Nakagat ko ang labi ko at napalingon pa sa kanila, kita ko ang pagkabalisa nilang dalawa at mga nagiiwasan ng tingin.

Nailing ako. Hays, sana naman magka usap sila. Dahil may kutob akong may nararamdaman na si Kent kay Rhea na pilit niya lang pinipigilan, ay siguro din dahil sakin. He thought na ako ang mahal niya pero di nya alam na unti unti naring napapasok ni Rhea ang puso niya pero in-denial pa rin siya sa feelings nya for Rhea.

I'm one hundred percent na tama ang hinala ko. Para mangyari yun ay kailangan ko silang i-push para naman maamin narin nila ang totoong feelings nila for each other. Huhuhu sana magtagumpay ako.

Please Kent...sana naman makita mo ang kahalagahan ng kaibigan ko, ayokong pagsisihan mo pag narealize mo na kung gaano ka-importante ang taong walang ginawa kundi mahalin ka lang. Ang tagal ng naghihintay ni Rhea na masuklian mo ang pag ibig nya para sayo kaya hanggat di pa sya napapagod na mahalin ka ay nandito naman ako para tulungan kayong makita ang kahalagahan ng isa't-isa, sana lang kasangga ko ang cupido na magpapana sa inyong dalawa.

Natawa ako sa naiisip at nailing, mukha akong baliw dito kaya naman tumungo akong banyo, tinotoo ang palusot.

Nag ayos lang ako at medyo nagtagal pa sa banyo bago nagpasyang bumalik na.

"Where's Kent?" I asked Rhea, nang siya nalang ang naabutan ko.

Napaiwas sya ng tingin. "Tinawag na sila para sa meeting." Sagot nya.

Napatango naman ako. "Ah ganun ba." Naupo ako sa pwesto ko kanina.

Natahimik naman kami at nakiramdam sa isa't-isa.

"How are you?" Naglakas loob akong nagtanong, gulat naman syang napatingin sakin bago ulit nag iwas ng tingin.

"I'm fine..." Tipid nyang sagot.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now