Chapter Twenty-four

20 1 0
                                    

CHAPTER 24- Abduction?

NAKATANAW lang ako sa bintana ng kwarto ko, tulala sa kawalan. Kanina pa ako di mapakali dahil ilang sandali nalang ay ikakasal na kami ni Kent, at hanggang ngayon wala paring sinasabi sakin si Rui kung ano ba magiging plano niya at kung paano nya ba pipigilan ang kasal. Hays, napaka pasaway talaga!

Sa pagmuni-muni ko ay di ko napansing may kumakatok na pala sa pinto ko.

"Ma'am Serrah? Gusto pong tumulong ni Ma'am Eula sa pag aayos sa inyo.." Ani ng kasambahay namin na patuloy na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako bago tumungong pinto para pagbuksan ang Nanay ni Erin.

"Hello hija.." Agad na bati sakin ni Tita Eula at bumeso pa sakin.

"Hello din po.." Tipid na ngumiti lang ako at pinapasok ang ginang sa kwarto ko.

"It's eleven thirty...and yet you are not ready. Maya maya lang ay aalis na tayo para pumuntang hotel para sa civil wedding nyo na gaganapin ngayon doon." Aniya at hinila ako paupo, nakaharap sa salamin.

Di ako umimik at tumulala lang. Narinig ko syang bumuntong hininga habang hinahaplos ang buhok ko.

"I know na napipilitan ka lang dahil sa pang-gigipit ng asawa ko sa pamilya nyo..at wala manlang ako magawa patungkol don..I'm sorry." Aniya nya pa at nagsimula na syang ayusan ako.

"It's okay Tita.." Wala sa sariling sabi ko na kinailing nya lang.

"Sa tagal na naming pagsasama ni Kennett, ramdam kong di nya talaga ako minahal..kasi hanggang ngayon ay di ko parin madiktahan ang bawat desisyon niya, di ko siya magawang mapigilan sa mga masasamang plano niya, pero thankful din ako dahil kahit papano ay naging magaan ang buhay namin ng anak kong si Erin nang kupkopin kami nito nung simulang mamatay ang mommy nina Kent at Kelly..binigay ni Kennett ang mga pangangailangan namin mag ina ng walang pag aalinlangan, kahit pa iniwan na siya ng mga anak nya dahil sa aming mag ina." Kwento niya pa.

Tumingin ako sa kanya, may lungkot akong nakikita sa mukha niya at alam kong nagsasabi talaga sya ng totoo. At alam ko ring mabuti siyang tao, sa kasamaang palad nga lang ay di na mana ni Erin ang magandang ugali ng kanyang ina, dahil ubod ng sama ang ugali nito. Tsk.

Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Tita Eula at medyo gumaan na din ang loob ko sa kanya.

Patuloy nya parin akong inaayusan, at natuwa ako sa inaply nyang make up sakin, simple lang at bagay sakin. Ayoko rin kasi ng sobrang kapal na make up mabuti nalang sinimplehan nya lang.

"Here your dress..I'm sure na babagay ito sayo." Masayang aniya at binigay sakin ang susuotin kong dress para kasal namin ni Kent.

Kinuha ko yun at daling nagbihis, tumingin ako sa salamin at tumulala lang don, isang white off shoulder long dress ang suot ko ngayon at bumagay naman sakin, pero halo halo naman ang nararamdaman ko. Di na naman ako mapakali at kinakabahan sa kung ano pwedeng mangyari ngayong araw.

"It's look perfect on you! I knew it.." Masayang papuri sakin ni Tita Eula.

"Thanks po Tita.."

"Aysus..small thing hija." Aniya at niyakap ako.

Sa tagpong iyon ay may biglang pumasok. Agad sumama ang mukha ni Erin ng makitang magkayakap kami ng mommy niya.

"The car is ready...kailangan mo ng bumaba, Mahal na prinsesa..." Ani Erin, na bakas ang sarcastic sa huling sinabi at inirapan pa ako.

Lumapit siya sa nanay niya at hinila na ito. "Let's go mom.."

Nailing naman si Tita Eula. "Hay naku Erin...bakit ka ba nagmamadali?"

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now