Chapter Thirty-One

31 0 0
                                    

CHAPTER 31- Past, Present, future?

PANGATLONG araw ko na sa mansyon nila Rui dito sa La-union at di pa naman ako nakakaramdam ng pagka bored, dahil pa-minsan minsan ay tumutulong rin ako sa mga gawaing bahay kahit na sinasaway na ako dahil sa kapasawayan ko, ayaw kasi nila akong pagalawin manlang sa gawaing bahay, tsk.

And now, na-tripan kong magdilig ng mga halaman at sari saring magagandang bulaklak dito sa malaking garden nila Rui, yung 'Eva's Garden' na pagmamay-ari ng mommy pala ni Rui dahil hilig nga nito ang mga bulaklak. Since 'asawa' nga daw ako ni Rui at sobrang gusto ko ding masulyapan manlang ang loob nito ay pinayagan na akong pumunta punta na dito ni Manong Lupeng, ang nangangalaga nitong garden. Pero ang kwento nya ay pa ay di daw basta bastang nagpapasok si Tita Eva, ang mommy ni Rui dito sa garden kaya nga laging nakakando ito at sya lang ang maaaring makapasok dahil nga sya ang pinagkakatiwalaang mag alaga sa mga pinakamamahal nitong bulaklak.

At ngayon ay pinayagan nya ako dahil mukhang okay lang naman daw na papasukin ako since 'mother in-law' ko na daw si Tita Eva.

Pinagkibit balikat ko nalang yun at pinokus ang atensyon sa pagdidilig ng mga halaman.

Maya maya lang ay natigilan lang ako ng maramdamang may yumapos saking matigas na bisig mula sa likod ko.

"Hey...what are you doing?" Tinig ni Rui sa may bandang tenga ko.

Nilingon ko sya ng bahagya bago ko inangat ang hose na hawak. "Nagdidilig, di ba obvious?"

Nailing naman sya. "Bakit ang sungit mo, tsss...come on, di mo naman kailangang gawin yan e. Pasok nalang tayo sa mansyon.." Aya nya pa.

Napairap ako. "E sa gusto kong magdilig e. Mamaya na ako papasok." Pagmamatigas ko at kumuwala sa yakap nya at tinutukan ng hose ang mga halamang di ko pa nadidiligan.

"Fine...do what you want. Nandito lang ako." Aniya at tinungo ang upuang bench, naupo sya doon at tumingin sakin ng derekta.

Umiwas ako sa kanya ng tingin at binalingan ang dinidiligan na halaman.

Matapos sa ginagawa ay syaka ko lang sya pinuntahan. Sa totoo lang ay nakakailang ang ginagawa nyang paninitig sa bawat galaw ko, kakainis lang di talaga ako masanay sanay.

Akmang uupo na ako sa tabi niya nang bigla nya akong higitin kaya naman ang ending ko ay bigla akong napaupo sa lap niya, at agad nya naman akong kinulong sa mga bisig niya at binaon ang mukha sa bandang leeg ko.

"R-Rui..." Gulat kong usal pero niyakap nya lang ako ng mahigpit.

"Let's stay like this for a while..please." bulong nya.

Natigilan ako sa pagpiglas para makawala sa kanya, huminahon ako dahil sa malakas na kabog ng puso ko.
Hinayaan ko nalang syang yumapos sakin at enjoying ang moment na ito na kasama siya.

Naka ilang minuto na kaming nasa ganung posisyon lang, at medyo naiilang narin ako.

Nilingon ko lang siya ng may maalaala nga pala ako.

"Rui..."

Nilingon nya din ako at agad naman akong napayuko at tinignan ang kuko ko. Masyado kasing malapit ang mukha namin, di ko pa kering makipagtitigan sa kanya.

"About sa parents ko...hindi ko ba talaga pwedeng tawagan na sila? I'm sure they are worried about me.." Untag ko at ngumuso.

Matagal na hindi umimik si Rui at ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Hmm...I know, pero natatakot akong baka ilayo ka nila sakin..ayoko mangyari yun Serrah." Aniya.

Napabuntong hininga ako. "I'm confused...matagal ko ng iniisip kung bakit ba ayaw sayo ni Mama. E samantalang di pa naman kita naipapakilala sa kanya, I don't know kung paano nya nalaman ang about sayo and then weird pinapalayo niya pa ako sayo.." Bigla kong saad.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now