Chapter Ten

15 2 0
                                    

CHAPTER 10- Condition

KINABUKASAN ay tinanghali na ako ng gising, napataklob ako ng kumot ng maramdaman ang init ng araw na tumatama sa mukha ko, nang sa tingin ko hindi na ako makakabalik sa pagtulog ay nagmulat na ako ng mata at tinanggal ang kumot bago nilibot ang mata at natantong nasa kwarto ko na pala ako at naalala ko rin na hinatid nga pala ako ni Rui pero di ko naman matandaan na nakauwi na pala ako, siguro napasarap ang tulog ko sa kotse niya habang nasa byahe at binuhat nya ako papunta sa kwarto ko nang di ko manlang namamalayan?

Di manlang ako nakapag pasalamat, sabagay di ko naman ginusto na ihatid niya ako, so like I care naman.

Napasulyap ako sa orasan at nakitang 10:30 am na, napahaba ang tulog ko. Bumangon na ako at kinuha ang cellphone para i-text si Kent para makipagkita dahil may papakiusap ako sa kanya at pumayag naman siya at itre-treat niya pa daw ako ng lunch na syempre tinanggihan ko pero mapilit kaya naman sumang ayon nalang ako para makausap sya.

Nagtungo na akong banyo para maligo, then after ay nagbihis naman ako at konting ayos sa mukha bago napagpasyahang lumabas na ng kwarto.

"Hija! Bihis na bihis ka, may lakad ka?" Agad na puna sakin ni Manang Tessie pagkakita sakin.

"Ah opo Manang e, may kikitain lang ako.." Sagot ko at tipid na ngumiti.

"Ganun ba? Oh e kumain ka muna," Aniya.

Napanguso ako. "Hindi na..sa labas na po ako kakain"

"O siya sige..ingat ka nalang"

Napangiti ako at saglit yumapos sa kanya. "I will Manang..bye na po" Untag ko at humakbang na palayo, lumabas na at tinungo ang kotse ko.

PAGKAHINTO sa nasabing restaurant ay bumaba na ako at naglakad na patungo sa entrance ng restaurant at pumasok na agad naman akong binati, inilibot ko ang mata at agad ko namang namataan si Kent na naghihintay sakin, busy ito sa kaharap na laptop at nasa medyo sulok siya nakapwesto pero katapat naman ang bintana.

Ngumiti lang ako sa babaeng binati ako at tuloy tuloy na pumasok at nagtungo sa table kung saan si Kent naka upo.

"Hey...kanina ka pa?"

Napa-angat naman ang mukha ni Kent sakin at agad siyang napangiti. "Nope, kadarating ko lang rin." Aniya.

Naupo na ako sa tapat niya at napanguso. "Mukhang busy ka ah, sorry nadistorbo pa kita.." Sabi ko at mas lalong napanguso.

Sinara niya ang laptop at umiling sakin. "Nope, it's okay...I can do my work later, at syaka gusto rin kitang makita.." He said and sweetly smiled at me.

"Hmm.. let's order?" Untag ko at umiwas ng tingin.

"Oh.. actually nakapag order na ako para sating dalawa, so hintayin nalang natin." Aniya kaya naman napalingon ulit ako sa kanya, at naabutan ko siyang nakatitig sakin.

"Ah ganun ba.." Nasabi ko nalang at napatango tango.

He cleared his throat. "So.. mukhang nakarating na sayo ang balita about sa company nyo, well I'm sorry about that..I didn't know na magagawa ng Papa ko na siraan kayo kaya siguro gusto mo ko makausap...tama ba ako?" Panimula niya na syempre kinagulat ko.

Oh my...obvious ba ako? Tsk.

I sighed and slowly nodded my head. "Hmm..yeah, I want to talk to you about that matter.." Nakagat ko labi ko.

"Go ahead.." Aniya.

Umayos ako ng upo. "First of all, hindi mo naman kailangan mag sorry sa nangyari dahil wala ka namang kasalanan..at syaka ang Papa mo ang may atraso samin at gusto ko rin sanang magpatulong sayo na kumbinsihin siyang bawiin at sabihin ang totoo na hindi nanggaya ang DelCorp. para matigil na ang paninira sa pangalan ni Daddy... please Kent, pabagsak na ang kompanya namin at walang ginagawang masama ang Daddy ko para siraan niya ng ganito!" Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang pag usbong ng galit sakin, na fru-frustrate ako!

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now