Chapter Twenty-one

13 1 0
                                    

CHAPTER 21- Insecurities?

"Thank you sa paghatid.." Nakangiting untag ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Hmm...wala yun." Aniya at kinuha ang kamay ko at syaka hinalikan yun kaya naman napangiti ako.

"Sige na Rui...bababa na ako." Sabi ko sa kanya pero napanguso lang siya.

"Fine...kahit ayoko pang pakawalan ka." Saad niya at napabuntong hininga.

"Parehas lang naman tayo e..ayoko ring mawalay sayo pero kasi ang komplikado pa ng sitwasyon natin.." Malungkot na saad ko at napayuko, tinitigan ang magkahawak naming kamay.

"Gagawin ko ang lahat para matapos na ang kahibangan nila at para maging tahimik na rin ulit ang pamumuhay nyo Serrah.." Seryosong aniya.

"Sana nga Rui...gusto ko na ulit maayos ang pamumuhay namin, yung walang iniisip na problema." Saad ko.

Kinabig nya ako kaya naman napasubsob ako sa kanya, mahigpit nya ako niyakap.

"Soon, Serrah. Malalagpasan din natin ang lahat at maayos ang dapat maayos at lulugmok ang dapat malugmok, at sisiguraduhin kong di na nila tayo magagalaw pa dahil di ko hahayaang makabangon pa sila once na magtagumpay akong pabagsakin sila."

Napatango nalang ako, wala ng umimik samin hanggang sa ako na ang lumayo sa kanya.

"Umuwi ka na Rui..gusto ko na ring magpahinga." Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Okay..i-tetext kita pag nakauwi na ako." Aniya.

"Hmm..sige. ba-bye na." Nakangiting sabi ko at binuksan na ang pinto para bumaba na.

Kumaway lang ako sa kanya at hinintay na makaalis siya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Dahan dahan akong naglakad patungong hagdan at tahimik na umakyat.

Natigilan pa ako pagkapasok ng kwarto ko ng makitang mahimbing na natutulog si Kent sa kama ko habang hawak nito ang cellphone, mukhang hinihintay ang tawag or text ko.

Naglakad ako patungo sa kanya, at kinuha ang cellphone na hawak para itabi ito at maingat syang kinumutan.

Matagal akong tumunganga sa kanya bago napabuntong hininga.

"I'm sorry Kent..." I whispered.

Tinalikuran ko siya para kumuha ng damit pantulog sa closet ko bago lumabas ng kwarto at balak matulog nalang sa guest room namin, katabi lang rin ng kwarto ko.

Matapos maglinis ng katawan ay nagpasya na akong mahiga sa kama at hinintay na tangayin ng antok.

KINABUKASAN ay tinanghali na ako ng gising, kung hindi ko lang naramdaman na may humahaplos sa pisnge ko ay di pa ako magigising, pagmulat ko ay bumungad sakin ang mukha ni Kent.

Napapikit ako ng mariin, at nasapo ang ulo dahil sumakit ito bigla, dala siguro ng hangover.

"Hinintay kitang tumawag o mag text pero walang dumating, Serrah..hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kwarto mo." Aniya, nagulat pa ako ng bigla nyang hilutin ang ulo kong sumasakit.

"Sobrang sakit ba?" Tanong nya pa na bahagya kong kinatango.

"I'm sorry nga pala, di na kita natawagan para magpasundo..ahm, Kasi sobrang nalasing ata ako kaya naman s-sina Ana na ang n-naghatid sakin pauwi.." I lied, umiwas ng tingin sa kanya bago pinikit ang mata.

He sighed. "Ganun ba? Bakit ka kasi nagpakalasing..ayan tuloy may hang over ka." Aniya, naga-alaala sakin.

Di ako umimik at nakapikit parin habang patuloy niyang hinihilot ang ulo ko, na medyo nawawala narin naman ang sakit.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now