Chapter Nineteen

17 1 0
                                    

CHAPTER 19- Chance?

HINDI ko alam kung ilang minuto akong umiiyak at nagmukmok sa kwarto ko, humahapdi na ang mata ko kaya naman pinilit kong kumalma at inayos ang daloy ng utak ko. Di dapat ako umiiyak ng ganto pero abnormal itong luha ko, traydor! Nakakainis!

Maya-maya lang ay nagulat ako ng may biglang kumatok. "Serralaine? Hey..let me in, please?" Boses ni Kent.

"No! I want to be alone...umalis ka na!" Sigaw ko.

"Serralaine...bakit ka ba nagkakaganya?" Tanong nya pa, may halong sakit sa tono nito.

Di ako umimik hanggang sa magsalita sya ulit. "Babalikan kita...magpahinga ka na." Aniya at narinig ko nalang ang yabag niya papalayo.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at di ko na namalayang nakatulog na ako, siguro sa pagod kakaiyak ng sobra at sa naghahapding mata kaya agad akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naramdamang may kumot ng nakapulupot sakin at hindi lang yun may naramdaman din akong nakahawak sa kanang kamay ko kaya naman tinignan ko kung ano yun at nagulantang nang malingunan ko kung sino ang lapastangang humawak sa kamay ko!

"Kent.." Usal ko, napapaos na boses kasi kagigising ko lang.

Nakahiga sya sa tabi ko pero may space parin naman ang katawan namin dahil sa unan nasa gitna namin, doon nakatanday ang isa nyang binti at nakaharap sya sakin habang ang isang kamay nya ay mahigpit na hawak ang kamay ko, at mahimbing syang natutulog.

Sa di malamang dahilan ay napatitig lang ako sa kanya, at inaalala kung paano ko sya nakilala at naging kaibigan kahit pa nung una ay ayoko na talaga sa kanya dahil sa taglay niyang kahanginan pero sa isang iglap naging malapit din kami dahil lagi syang nandyan pag kailagan ko ng masasandalan, pinapa-gaan ang loob ko pag umiiyak ako at malaking bagay sakin lahat ng ginawa niya pero di ko talaga kayang suklian ang pag ibig nya para sakin, di ko magawang mag mahal ng iba kung hanggang ngayon si Rui parin talaga, di ko magawang turuan ang puso ko.

Napabuntong hininga ako.

"Bakit hindi nalang kasi ikaw ang minahal ko? E di sana hindi ako nasasaktan diba.." Mahinang bulong ko.

Madali naman siyang mahalin kung tutuusin e. Sa mga pinapakita niya sakin nung panahong okay pa kami, isa si Kent na maasahan mo pag kailangan mo, mabait at maalalahanin at di rin naman mawawala ang pagiging malambing nya kahit magkaibigan lang kayo, na talagang mafa-fall ka pero yun nga lang hindi gumana sakin, hindi ako na-fall. I see him as a friend and a brother also.

Napapikit ako. Mukhang maiiyak na naman nang maalala ang nangyari kagabi, ang mga sinabi ni Erin na sumaksak sa sugatan ko nang puso.

Papayag kayang magpakasal si Rui?

"Huwag mo na kasi syang mahalin kung nasasaktan ka lang rin naman...give a chance to others, give me a chance, Serralaine...I will do everything just for you, mahalin mo lang ako.."

Nagmulat ako ng marinig na magsalita si Kent, gising na pala ito at deretsong nakatitig sakin.

Akmang kukunin ko na ang kamay ko na hawak nya pero di nya binitawan, nagkatinginan lang kami bago ako naunang umiwas.

Nagrambulan na naman ang isip ko.

Like, should I give him a chance? Pag ba binigyan ko siya ng chance ay magwo-work kaya kami? Magiging masaya ba ako? Makakalimutan ko ba si Rui? Magagawa ko bang mahalin din si Kent?

I sighed.

Mukhang malabo, ilang taon na ang lumipas pero si Rui parin talaga, sya parin.

Hay buhay naman.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now