Chapter Nine

22 2 0
                                    

CHAPTER 9- Problem

PANG apat na araw na namin sa  tagaytay at ilang beses ang pagkikita namin ni Rui simula ng magkita kami ulit at sobra sobrang awkward! Lalo na yung ginawa niya sakin! Di ako pinatahimik at sobrang bad trip din ako sa kanya dahil sa hindi matawarang pangangasar sakin ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa nya sa leeg ko! Kaya naman todo ang pagtatago ko at kung ano ano na nilagay para hindi mahalata ang markang ginawa niya.

Di ko siya pinapansin at iniiwasan kung madikit sa kanya dahil baka may katangahan na naman akong magawa, tulad ng hinayaan ko nalang siyang halikan ako ng ilang ulit!

No way, di na dapat mangyari pa ulit yun dahil tinapos na namin kung ano ang namamagitan samin years ago kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman naging 'kami', still ay pakiramdam ko niloko nya parin ako at ginawang rebound.

Natigilan ako sa pag iisip ng malakas na nag ring ang cellphone ko kaya naman napabangon ako mula sa pagkakahiga sa duyan at kinapa ang bulsa ng short ko para kunin ang nag iingay na cellphone at sinagot ng makitang si Hellen ang tumatawag, ang sekretarya ni Daddy.

I frowned, nagtataka kung bakit bigla itong tatawag sakin gayong alam naman siguro niya na nasa tagaytay ako at ini-enjoy ang isang buong linggo bago ko harapin ang problema sa kompanya nila Dad.

"Hmm? Bakit?" I asked, straight to the point.

Narinig ko pa siyang huminga ng malalim bago nagsalita.

"A-ahm..kasi po m-may malaki pong problema at kailangan nyo na pong bumalik.."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "What? Can you please direct to the point?"

"P-pabagsak na po kasi ang kompanya! Hindi na po alam nila Ma'am Anya at Sir Arturo kung paano susolusyunan ang kinahaharap ng kompanya... Kuma-kailan lang ninakawan po ng malaking halagang pera ang kompanya at hanggang ngayon ay hindi parin matukoy ang may sala at patuloy paring nagiimbestiga sa malaking halagang nawala, at kahapon naman po habang nagla-launch ng bagong product ay kumalat naman ang bali-balita na nang-gaya ang DelCorp. sa mga original design and materials ng isa ring kilalang kompanya, ang Brent Furtunato Corporation, o mas kilalang BFCorp, ngayon ay may media'ng naka antabay sa labas ng building para humingi ng statement kila Ma'am Anya o kay Sir Arturo dahil sa mga kumalat na akusasyon at sa nanganganib na pagbagsak ng kompanya nyo..dahil maraming stockholders ang nag pull-out ng kanilang shares at nawalan na ng tiwala.." Mahabang paliwanag niya at lahat yun ay di parin ma-proseso ng utak ko.

Nang ma-absorb ko na ay syaka ko lang narealize ang totoong kalagayan ng kompanyang pinaghirapang itinayo ng aking Lolo Aris, na pinamana niya kay Daddy at ito na ang namahala hanggang sa pumanaw na ito tapos ngayon ay malalaman ko nalang na malapit na itong bumagsak dahil may nang salbahe at may gustong sumira sa pinaghirapan ni Daddy, kaya siguro sobrang nai-stress ang magulang ko at pilit naghahanap ng solusyon sa problema at ayaw manlang ipaalam sakin ang totoong dahilan kung anong nangyayari sa negosyo para manlang matulungan ko sila, tapos malalaman kong nanganganib na pala itong mawala sa amin at maski ako ay di alam ang gagawin!

Alam kong napaka importante ang kompanya kay Papa at ayaw niyang mawala nalang ito basta basta dahil pinaghirapan niya itong mapalago sa mahabang panahon pero ngayon ay di alam kung paano makakabawi pa hangga't di pa nalalaman kung sino ang may pakana sa pagnanakaw at mas lalong malakas ang kutob ko na dinaya sila at ninakawan rin ng design at materials para mapalabas na nang gaya at nagnakaw ng original plan ng ibang company.

My god, anong gagawin ko? I'm sure stress na stress na sila Mama at Papa dahil sa mga nangyayari.

I can't believe it! Sino ang gustong sumira sa company ni Dad? Sa tinagal tagal na pinapatakbo ni Dad ang kompanya ay ngayon lang siya pumalya!

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now