Chapter Twenty-Seven

35 1 0
                                    

CHAPTER 27- Just the two of us

(WARNING: Slight SPG- I'm warning you, it's up to you nalang kung gusto mong basahin 🤗 hihihi🙈)

~~~~~~~~

"Hindi parin ako makapaniwala na may asawa ka na hijo..at kay gandang babae pa, bagay kayong dalawa." Biglang saad ni Manang Lou na kinasamid ko kaya naman agad akong binigyan ni Rui ng tubig at hinimas ang likod ko dahil di ako matigil sa kakaubo.

"Okay ka lang hija?" Naga-alaalang tanong sakin ni Manang Lou.

Nang mahimasmasan ay tumango lang ako at tipid siyang nginitian bago binalingan si Rui at pinanlakihan siya ng mata. "Asawa? Pinalabas mo bang mag asawa tayo sa kanila? Bawiin mo yun.." Bulong ko sa kanya pero inilingan nya lang ako at nginisihan.

"Ayoko nga...nasabi ko na e. At syaka hayaan mo na, doon din naman tayo patungo e." Aniya at kinindatan pa ako nang mokong.

Di naman ako nakaimik dahil sa tinuran niya. Bahagyang nag init ang pisnge ko na kinahalakhak nya bago ako ki-niss sa pisnge.

"Hoy..wag kang maharot, buset ka." Angil ko ng pabulong at bahagyang lumayo sa kanya.

"Naku, ang sweet nyong dalawa lalanggamin na kami dito.." Natatawang ani ni Manang Lou.

"Maharot po kasi itong alaga nyo, Manang.." Nakangiting untag ko na kinatawa niya.

"Sayo lang naman ako maharot e.." Ani Rui at ngumisi pa.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy kumain.

"Nakakatuwa nga kayong panuorin e..." Ani Manang Lou. "At syaka nga pala hanggang kailan nga pala kayo mananatili dito? Diba honeymoon nyo?"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran nya, so ni-reason ni Rui na magho-honeymoon kami dito?? Huwaat? Talaga naman itong lalaking ito oh..ginugulat ako, di manlang ako ininform!

"Di pa namin alam kung hanggang kailan kami dito...ang gusto ko lang e masulit namin ang pananatili namin dito."

"Ganun ba? E paano naman yung mga trabaho nyong naiwan?"

"Aasikasuhin ko parin naman ang trabaho ko habang nandito kami, at syaka may pinagkakatiwalaan akong papalit muna sa posisyon ko habang wala ako." Ani Rui.

"Mabuti kung ganun. Puro nalang kasi trabaho ang inaatupag mo, ang tagal na rin nung huling nagbakasyon ka dito..mabuti at dito mo napag pasyahang mag honeymoon ng asawa mo." Ani Manang.

"Of course Manang, makakalimutan ko ba naman ang lugar na ito? At syaka na-miss ko rin talagang magawi dito kaya naman gagawa kami ni Serrah ng magandang memories dito." Si Rui at ngumiti ng malaki bago ako inakbayan kaya naman siniko ko sya.

"Kumakain ako Rui..ang bigat ng braso mo.." Untag ko sa kanya kaya naman agad nyang tinanggal.

Habang nagkwekwento si Manang Lou about sa batang paslit na Rui ay kinakain naman namin ngayon ang dessert na hinanda niya. Tawa ako ng tawa habang kinikwento ni Manang ang kalokohan ni Rui nung bata pa. Loko loko na talaga siya mula bata pa, hay naku.

Nang matapos kumain ay tumulong pa ako sa pagliligpit kahit sinasaway na ako ni Manang.

"Kami na diyan hija...umakyat ka na sa kwarto nyo." Aniya pa niya pero inilingan ko lang siya.

"Okay lang po talaga Manang..gusto ko pong tumulong kahit manlang dito sa pagliligpit." Nakangiting sabi ko kaya naman napabuga sya ng hangin bago nailing pero napangiti din.

"O siya sige na nga, mapilit ka e. Ang swerte ni Rui sayo, ang bait bait mong bata." Puri nya pa kaya naman natawa ako.

Matapos tumulong sa pagliligpit ay nagpasya akong libutin ang mansyon nila Rui, ang daming pasikot sikot nakakalito lang.

Catch You I'm Falling Too Where stories live. Discover now