MeMa #1: Gusto ko Ulit Magsulat

5 1 0
                                    

Gusto ko ulit magsulat.
Gusto ko yung pakiramdam na naieexpress ko yung lahat ng naiisip ko, nararamdaman ko.
Gusto ko yung pakiramdam na may natatapos ako na nasusulat ko.
Ngayon kasi, parang wala na akong mapiga.
Kapag naman may nasisimulan, hindi ko na alam paano tutuloy. Paano tatapusin.
Minsan naman, gusto ko, yung magandang-maganda. Kafollow-follow. Kalike-like.
Kaya hindi ko na natutuloy.
Ang ending, wala. Nalilipasan na ng kung anu-anong laman ng utak ko yung dapat sana isusulat ko.
Namimiss ko yung ako mismo, naa-amaze kasi maiisip ko na lang na "ako ba talaga gumawa nito?"
Sana mabuhay ulit sa sistema ko yung makapagsulat ako.
Okay na siguro yung kahit na ano lang muna.
Kahit simpleng-simple. Kahit hindi English.
Basta may magawa. May matapos.
Siguro sa umpisa lang ito. Adjustment ba.
Na baka pag tuloy-tuloy na, magiging mas maayos na. Mas maganda.
Baka doon ulit mabubuhay ang dugo ko.
Yung tipong, excited na akong gumawa.
Alam ko na umpisa. Tapos yung gitna. Tapos yung ending.
Tapos dito sa Wattpad sana. Ayoko ng blog. Alam kong hindi pa ako handa. Darating din tayo dyan.
Yung alam ko na may makakabasa nito.
Basta gusto ko lang ulit magsulat.
Nakakamiss kasi.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon