MeMa#6: Guess Who's Back!

5 0 0
                                        

Being an event coordinator, to be specific, an administrative event coordinator (designation ko. Taray! Pero I loved it) sa team namin, changed my life.

Akala ko kasi noong una, pagsusulat lang ang meron ako. Ang ironic pa, yun na nga lang ang maipagmamalaki kong talent ko, hindi ko pa mabigyan ng oras para mas ma-enhance yun (lalo at sa mga nakalipas na taon eh halos hindi nawawala yan sa mga New Year's Resloution ko. )

I must thank my friend (and syempre si Lord) for this. Hindi ko naman akalain na yung pagiging busy-busyhan ko sa kasal ng isang "dating" kaibigan (na hindi ko na namamalayan na langya, ako pala ang punong-abala samantalang may wedding coordinator naman kasi sila, tapos halos 7 months pa akong buntis nun! Kaloka pag naaalala ko yun. Ang greatest konsuwelo na lang sa akin sa parte na iyon eh yung "maam, thank you. Buti na lang nandyan ka. Okay ka lang ba?" nung napangasawa niya.) medyo inoobserbahan na pala niya ang mga galawan ko noon (idinemo pa niya sa harap ng jowa niya at mutual friend namin last last week ano itsure ko nun, haha). Hindi ko makalilimutan kung paano kami nagusap sa pamamagitan ng chat, paano niya sinimulan ang mga ideas, paano niya in-acknowledge yung mga nakita niya.

That moment was more than 2 years ago na. Marami sa mga naunang napag-usapan ang hindi nagawa. Maraming nagbago sa mga plano. Pero sa awa ng Panginoon, nagiging maayos na ang events services ng kaibigan ko. Marami nang kasama sa team. Marami nang iba pang offers. 

At sobra akong nagiging proud lalo sa tao na iyon. 

Regarding naman sa akin, ang dami kong mistakes, lalo na mga pagkukulang. Yung proposal ko na partnership sa kanya, yung hindi lang bilang part lang ng manpower, dinecline niya dahil doon. Pero for the good reasons. Dahil doon, narealize ko rin na magpahinga muna totally sa lahat ng bagay tungkol sa events, thinking na baka hindi ako doon laan. Pero the day she declined my proposal, I still had high hopes. I still want to be part of the team. 

Narealize ko na baka rin kaya kailangan kong umalis is because I had the wrong intentions. Wrong motives.

Hanggang sa malamang e God's will na rin na maalis sa sistema ko ang tungkol sa events. Somehow nakahinga ako, para akong nakapahinga ba. After the deep pain of being rejected especially for the fact na nakasambulat sa pagmumukha ko ang lahat ng dahilan ng rejection na iyon (pero hindi ako galit sa kaibigan ko ah? Aware na aware lang kasi ako sa mga pagkukulang ko that time.), unti-unting naalis sa isip ko ang tungkol sa events. So, naging pangkaraniwang empleyado na lang ako, tapos that time, may writing projects naman na manaka-naka bilang sideline na content writer. 

Tapos, hindi ko na alam yung eksaktong araw, pero I found myself being consulted again by that friend. Hindi na naman ako nagbubura ng convo namin, nagse-search na naman ako ng mga ideas sa Pinterest. Naghahanap ng event checklist na papasa sa akin. Hanggang sa noong Sabado, I saw myself being an organizer again. 

Now, I realized again na aside sa pagsusulat, there's still more in me pala. Iyong frustration ko na maging secretary (na natupad lang nung college pero mas na-execute ko nung 4th year college ako), I should consider that as a skill pala. Yung nakita sa akin ng friend ko na yun kung paano ko inestima ang mga bisita, kung paano ako naging point person nung event na iyon ng "dating" kaibigan, talent pala yun. Skill. Isang bagay na siguro dapat ko pa ring idagdag sa iilang dapat kong ipagpasalamat sa "dating" kaibigan na iyon (though that discovery happened accidentally)

P.S Hindi ko po kayang sabihin o ikuwento ang istorya sa likod bakit "dating" kaibigan na lamang ang ikinasal na iyon. Malay natin, sa mga susunod ko na MeMa, maidagdag ko na siya. Hehe


MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon