MeMa#2: Be Careful What You Wish For

1 0 0
                                    

Minsan sa buhay ko, pinangarap ko na maging busy.
Yung ka-busyhan na halos hindi ka na natutulog sa dami bg ginagawa. Maraming raket. Maraming ganap sa buhay. Nagmu-multi task. Yung hilong-talilong sa dami ng gagawin.

Frustrated raketera. Yan ang tingin ko sa sarili ko nun.

Then eto na. May full-time na ulit akong trabaho (assistant station manager/broadcaster sa isang community radio. Walang masyadong ganap.) Tapos raketera bilang events coordinator (nasa starting phase pa lang ang theme, lalo na ako, kaya hindi pa ganoon kadami events. 2 pa lang hanggang April). Tapos part-time content writer (may mahigit 100 writing projects, pinakamarami so far. Dito ako nasisiraan ng bait sa kasalukuyan.) Tapos nanay din sa 3 anak na lalaki (kaya hirap makahanap ng freeďom at peacefulness. Pero hindi ako nagrereklamo ah. Thankful pa rin naman ako syempre.)

So, natupad naman ang gusto ko. Hindi na ako frustrated raketera. Kasi obviously, may mga raket na ako. Not one. But two.

Pero bakit ngayon, as in sa mga oras na ito, pakiramdam ko, gusto ko naman ng maayos na pahinga? Maayos na mindset? Organized na braincells? Organized na environment? Ng katahinikan? Ng walang intindihing madami?

Bakit parang wala akong matinong natatapos? Bakit parang kulang pa? Bakit parang may mali?

Siguro, kailangan ko lang ng time to rest, time to reflect. Anong nangyayari sa akin, sa mga ginagawa ko. Saka para saan ba ito lahat? Saan ba ako dapat aayos? Kailangan ko bang may bitawan talaga?

Sa dami ng tanong ko. Sa gulo bg mga kable ng utak ko. Isa lang narealize ko. Totoo talagang "be careful what you wish for."

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon