MeMa#3: Thankful

1 0 0
                                    

Naranasan mo na ba yung sa dami ng kasalanang nagawa at nagagawa mo sa araw-araw, sa dami ng kapalpakan mo sa buhay-mula sa mga maling desisyon hanggang sa mga maling taong binigyan mo ng espasyo sa buhay ko kahit hindi namam pala dapat, sa dami ng rason para masabi mo sa sarili mo na ikaw na ang pinakamasamang taong nilalang sa mundong ito... Mas lalo mong nararamdaman ang pagmamahal ni Lord??

Yung ang dami-dami Niyang ibinibigay sa'yo lunod na lunod na yung puso mo sa saya. Tapos alam na alam mo sa sarili mo na kung tutuusin, hindi mo deserve alinman sa mga ito kasi alam na alam mo rin kung gaano ka kaundeserving maging sa pinakamaliit na ibinibigay Niya. Mga taong sobrang tanggap ka at mahal ka. Mga biyaya na meron ka sa araw-araw. Opportunities. Luxuries. Pero mararamdaman mo na along with these wonderful things, may peace na darating sa puso mo, out of nowhere. And you can't help but to feel it, na gagaan na lang ang lahat. Tapos parang may magbubulong sa iyo, magpapaalala na accepted ka pa rin. Na alam Niya lahat, pero okay na yun. Absuwelto ka na. Forgiven ka na. Kaya hindi ma na dapat maguilty. Kasi sa Kanya, cleansed ka na.

Eto pinakamalupit sa lahat. Yung mararamdaman mo na mahal na mahal ka pa rin Niya. Yung klase ng pagmamahal at pagtanggap na grabe, sobrang sarap sa pakiramdam lalo at alam mo na hindi ka makasusumpong ng ganoong klaseng pakiramdam kahit saan sa mundong ito. Eto pa bonus. Yung ipapaalala Niya sa iyo na YOU ARE FEARFULLY AND WONDERFULLY MADE (Psalm 139:14) At HE WILL MAKE EVERYTHING BEAUTIFUL IN HIS TIME (Ecc. 3:11) Kaya wala nang dahilan para hindi mo maramdaman na hindi ka kamahal-mahal. Kaya wala na ring dapat ipag hold on sa mga taong ni tratuhin ka nang tama e hindi magawa. Na ang tingin sayo, isa ka lang gamit. Na pag kailangan ka, alam kang kunin. Lapitan. Suyuin.

Kulang ang mga salitang ito, yung paglalarawan ko, para maiexplain yung eksaktong pakiramdam. Ilang araw na lumipas, pero andito pa rin oh. Dala-dala ko. And those came slowly. Hindi bugso. Unti-unti.

Marami pa akong magagandang bagay na matatamo mula sa Kanya. Naniniwala ako na simula pa lang ito.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon