MeMa#16: Broken

1 0 0
                                    

Basag na basag ka na. Sakit na sakit ka na. Pagod na pagod ka na. Gusto mong umalis muna kahit pansamantala lang sa kinalagyan mo. Sa responsibilidad mo. Sa mga taong nakapaligid sayo. Sa mga umaasa sayo. Yung tatanga ka lang sa isang maaliwalas na lugar. Tutulala. Wala kang iisiping iba. Sasagap ka lang ng sariwang hangin. Walang iniintinding trabahing naghihintay. Mga taong nag-aabang. Mga taong may inaasahan mula sayo.

Minsan sa tindi ng sakit, gusto mo nang kunin ng buung-buo yung puso mo tapos aalisin mo, pipirautin mong pilit, kahit sobrang sakit, nung dahilan ng pagsakit nito. Para minsanang sakit na lang. Tapos wala na.

O kaya gusto mo nang maglaho na lang. Yung bigla ka na lang mawawala. Tapos mapupunta ka sa kung saang kawalan. Nandun ka lang hanggang sa mawala na yung sakit, yung bigat.

Pero wala eh. Lahat ng ito, bunga lang ng imahinasyon mo. Isa sa napakaraming panaginip na mananatiling panaginip na lamang.

Kasi kahit nasasaktan ka na, kailangan mong ipakita na ayos ka lang, walang nagbago. Buhay ka pa. Humihinga.
Kailangan mong ipakita na masaya ka, kahit sa loob mo, ang gusto mo eh mag-iiyak, hindi magtatawa.
Kailangan mong harapin ang bawat umaga, ang bawat araw, na parang wala kang pinagdaraanan.
Kailangan mong gawin ang mga bagay na inaasahan ng taong gagawin mo. Sasabihin mo. Iisipin mo.
Kailangan mo pa ring kausapin ang mga tao sa paligid mo.
Kailangan mo pa ring makisalamuha sa mundo.
Kailangan mong mabuhay, huminga, kumilos, magpanggap na parang wala lang. Na ayos ka lang. Kahit sa niloloob mo, durog ka na naman. Pisang-pisa. Gutay-gutay.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon