MeMa#4: Tiwala

5 0 0
                                    

Nasa punto na naman ako ng buhay ko na nagdududa sa tiwala.

At sa ngayon, parang upgraded version yung pakiramdam ko.

Dati kasi, napapaisip lang ako, nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit ba ang dali-dali kong bumigay na magtiwala sa isang tao. Ang dali-dali ko yatang mauto-yung tipong kahit na anong gawin mong remind sa sarili mo na "oh, hanep ka. Wag kang magsasabi sa kanya.", pero bibirahan pa lang ako na "ala, ganyanan", o kaya "hindi ako mawawala" (eto pinakamalupit eh. Ayun, awa ni Lord, a few days after, nawala si gago), ayun, sa kagustuhang hindi mawala yung tao, o sa kadesperadahan minsan na may mapaglabasan ng sama ng loob, o mema lang talaga na literal, I find myself na hala hege open pa more ng mga hanash na ang ganapan. Tapos darating ang isang araw na bigla na lang, mapapaisip ako, tas madidisappoint sa sarili ko,malulungkot, biglang parang kung puwede lang na maghibernate kahit 24 hours lang, para lang magself-pity at magself-blame. Ganun.

Pero ngayon, ibwaa.

Sa mga narinig ko at naencounter sa dalawang kaibigan ngayon, napapaisip na naman ako. Nakakalimutan ko na naman kasi na judgmental nga pala ang tao. Na kahit na gaano kaganda ang pakita nila, we never know kubg ano ako talaga para sa kanila-sa isip nila, sa kuwento nila. Worse? Na baka kagaya ng iba, wala akong kaalam-alam na inaabuso na pala nila ako. Na ginagamit lang nila ako. Kapag kailangan nila ng pera. Ng kausap. Ng shock absorber. Ng mapagpapasahan ng burden. Na ginagamit nila resources mo. Passion mo. O kaya unappreciated ka kahit anong gawin mo. Undercompensated.

Nakakawalang tiwala na ba ang magtiwala?

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon