MeMa#7: Sana...

1 0 0
                                    

Sana dumating na ang araw na magiging mas magaan na ang lahat. Yung araw na kahit magkrus ang landas, makakaya nang tanguan, o kaya hindi na pag-ukulan ng pansin. Yung araw na ayos na lang kahit nandyan ang presensya, damang dama. Yung araw na kahit bumulaga sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan, mabibigla ka pero hindi ka na matitinag, hindi ka na magugulo. Yung araw na ni segundo hindi na siya maaalala. Yung araw na lilipas, matatapos pero okay na. Yung isang araw na naman ang darating nang hindi mo na halos namamalayan na mas masaya ka na. Wala nang anumang bakas. Wala nang pangangarap ng kung anu-ano. Yung araw na magigising ka tapos matatawa ka kasi lahat ng nangyari noon at nangyayari ngayon, sa mga oras na ito, isang nakatatawang alaala na lang. At kapag muli itong nabasa, mapapaisip ka, raragasa ang eksaktong sitwasyon habang ginagawa ito, pero wala na yung nararamdaman. At magiging pangkaraniwang akda na lang ito. Sa ngayon, sana talaga, sana talaga, dumating na ang araw na iyon

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon