Hindi mo alam saan magsisimula
Hindi mo alam, laging nangangapa
Mapapatulala, mapapatunganga
Ang hirap talaga sa umpisa
Nakapanghihina, halos nauupos
Gusto mo na lang na matapos
Agad-agad, kasi nakagapos
Sa damdaming hindi matapos.
Walang magagawa kundi umusad
Tanging paraan para hindi sumagadsad
Ang sarili, para hindi makaladkad
Matanggap na sana, agad-agad
BINABASA MO ANG
MeMa 2019
AcakMeMa.. Me Masabi. Me Magawa. Me Maibahagi. Me Maikuwento. Me Maichika. Me Maikuda. Me Maibida. Me Maibangka. Me Maisulat. Lahat ng kaMeMahan ko, Tunghayan ninyo dito.