Panay ang tingin. Maya't maya ang silip. Manaka-naka ang pagsipat. Pero wala. Ganoon pa rin. Kahit tuldok, wala.
Sanay naman na ako, lalo na noon pa. Pero nang minsang muli na namang nagparamdam, muli na namang nabuhay ang unti-unti nang namamatay na pag-asa.
Paulit-ulit na lang. Kapag naiayos na, saka babalik. At hayun na naman ako, nakakasilip ng ni katiting na liwanag. Hahayaan na naman ang sarili kahit alam naman na ang kahihinatnan. Tapos, wala na. Wala nang imik. Ni bulong, wala. At muli na naman akong maiiwang mag-isa. Umaasa. Nakatunganga.
At muli ko na naman matatagpuan ang aking sarili na pinapatay ang liwanang, nang mag-isa. Walang kasama.
BINABASA MO ANG
MeMa 2019
De TodoMeMa.. Me Masabi. Me Magawa. Me Maibahagi. Me Maikuwento. Me Maichika. Me Maikuda. Me Maibida. Me Maibangka. Me Maisulat. Lahat ng kaMeMahan ko, Tunghayan ninyo dito.