MeMa#17: Pagod

4 0 0
                                    

Maraming kalat sa paligid. Ang sukal-sukal ng itsura ng lahat na lalong nagpapabigat sa pakiramdam. Paramg ang dami-daming dapat gawin. Ang daming dapat ayusin. Maraming kailangang linisin.
Kahit na sakit na sakit ka na sa dami ng kailangan ng kalinga mo, hindi mo mapigilang tingnan lang ito, at hayaan na lamang ang kalat, ang mga dapat ayusin, ang mga dapat gawin. Kahit mabigat na mabigat na sa pakiramdam, kahit na halos naghuhumiyaw na ang bawat sulok, hindi mo mapigilang hayaang ang bigat ng pakiramdam ay sakupin ang buong pagkatao mo.
Nakakapagod. Parang pasan m0 ang daigdig na daig mo pa si Atlas. Pero pakiramdam mo, napakawalang silbi mo sa mga nakalipas na araw. Na wala kang ginawa kundi tumungaga, tumulala, tumanga.
Pero sa kabila nito, nakakapagod pa rin.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon