MeMa#24: Lungkot

0 0 0
                                    

Sana dumating ang isang araw na hindi mo na ulit nanaising maging malungkot. Na hindi mo na pipiliin ang masadlak sa bigat at pait ng buhay, at matututunan mong yakapin ang higit na kagandahan at kaligayahan sa iyong buhay. Na mas malalaman mo na kung paano tanggapin ang pagmamahal at mainam na pagtrato sa iyo ng mundo. Na magiging maluwag na sa iyo ang pagsagot sa bawat magagandang salita at papuri na palaging nakahandang ibato sa iyo. Na hindi ka na mahihirapang lunukin ang kulay na handang ibigay at ialok sa iyo ng mundo. Na mas bibigyan mo na ng atensyon ang lahat ng magaganda at maiinam sa iyo. Na mas magiging malinaw na sa iyo kung paano ka nagiging liwanag at kagandahan sa buhay ng iba. Na mas bibigyan mo na ng panahon na pakamahalin, paulit-ulit ang sarili mo. Na mas bibigyan mo ng puwang sa puso mo ang lahat ng kagandahang ibinigay sa iyo ng Maykapal. Tama na ang kalungkutan. Hindi ito ang regalo sa iyo ng Diyos. Hindi ito karapat-dapat para sa iyo.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon