MeMa#15: Stay

0 0 0
                                    

Sana, wala nang mga indibidwal na manggagambala sa tahimik na buhay ng isang tao kung wala naman siyang anumang intensyong mainam dito.

Sana, wala nang indibidwal na gugustuhing pumasok sa buhay ng iba, kung wala naman silang sapat na rasong maibigay para hayaan silang maging parte sila ng buhay ng iba.

Sana, wala nang indibidwal ang biglaang mambubulahaw sa normal na buhay ng isang tao, pero aalis din naman pala sa bandang huli.

Kasi masakit iyon.
Yung biglang darating. Pipiliting pumasok at magiging parte ng buhay mo. Tapos kapag hulog ka na, makikitaan mo na ng mga inaakala mong sapat na dahilan niya para manatili siya, bigla siyang aalis. Iiwan kang nakatanga. Tulala. Umaasa.

MeMa 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon