Samu't sari ang dahilan bakit tayo iniiwasan ng isang indibidwal.
Maaari kasing toxic na pala tayong kasama o kausap para sa iba.
Maaari ring may nagawa o nasabi tayong hindi maganda sa kanila.
Maaari rin namang may unspoken feelings sila sa atin. Kaysa sabihin nila, ipararamdam na lamang nila sa ganoong paraan.
O kaya naman, trip lang nila.
Pero ang pag-iwas dahil sa alam nila na may nararamdaman ka sa kanila? Na daig mo pa ang may nakahahawang sakit? Na isang paramdam mo lang, pakiramdam mo, nasira mo na araw nila? Na para bang pinakamalaking kasalanan na sa balat ng lupa yung nagawa mong magkaroon ng natatanging damdamin para sa kanila.
Iyon na yata ang pinakawalang kakuwenta-kuwentang dahilan para iwasan ka ng isang tao.
BINABASA MO ANG
MeMa 2019
AcakMeMa.. Me Masabi. Me Magawa. Me Maibahagi. Me Maikuwento. Me Maichika. Me Maikuda. Me Maibida. Me Maibangka. Me Maisulat. Lahat ng kaMeMahan ko, Tunghayan ninyo dito.