Parang sasabog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang totoo, parang ilang araw na rin ito. Ang sikip. Ang daming gustong ibulalas. Ang daming gustong ilabas. Pero parang kulang ang anumang salita para tuluyan nang kumawala ang lahat ng nakapagpapabigat sa dibdib ko. Halu-halong mga emosyon na naghahanap ng lugar sa kahit na saan, mailabas lang. Naghahanap ng sapat na puwang para doon na lang mahimlay. Tapos hindi na siya huhukayin o kukunin man lamang doon. Hindi ko na papangarapin pang halukayin iyon, oras na may mapaglagakan ako nito. Kahit na sino siguro, hindi ito gugustuhin. Ang bigat kasi niya talaga.

BINABASA MO ANG
MeMa 2019
RandomMeMa.. Me Masabi. Me Magawa. Me Maibahagi. Me Maikuwento. Me Maichika. Me Maikuda. Me Maibida. Me Maibangka. Me Maisulat. Lahat ng kaMeMahan ko, Tunghayan ninyo dito.