Gustuhin ko mang idaan sa mga letra ang lahat ng nararamdaman ko, hindi ko magawa. Hindi ganoon kadulas sa utak ko na idaan sa salita ang lahat para masabi ko ang nilalaman ng isip at puso ko. Hindi nakikiayon ang isip ko sa mga kamay ko. Hanggang ganito lang ang kaya nitong maibuga.
Buti pa ang iba, nagiging madali sa kanila paano isalarawan sa salita ang bawa pintig ng puso nila. Ang dali nilang bigyan ng puwang sa isipan ng katulad ko ano ang tinatakbo ng kanilang mga utak. Naisisigaw na sa tahimik at mahinahon na paraan ang gusto nila, nag mga balak nila.
Sabi nila, therapeutic daw ang pagsusulat. Pero sa ngayon, hindi ko dama. Ang mas masakit pa, mas nagiging mabigat kasi wala akong kakayahan na isulat. Kahit na halos lumuwa na ang puso ko sa bigat. Sa sakit. Sa sama ng loob.
Sana bukas makalawa, gumana na nang sapat ang utak ko. Sana bukas makalawa, mapagaan nito yung bigat ng nararamdaman ko. Sana bukas makalawa, maisatitik ko na. Sana bukas makalawa, mawala na lahat ng bigat, ng sakit.
Sana bukas makalawa, malapit nang mangyari iyon. Malapit na malapit na.

BINABASA MO ANG
MeMa 2019
RandomMeMa.. Me Masabi. Me Magawa. Me Maibahagi. Me Maikuwento. Me Maichika. Me Maikuda. Me Maibida. Me Maibangka. Me Maisulat. Lahat ng kaMeMahan ko, Tunghayan ninyo dito.