January 3. Ayun.
Ang nakakatuwa lang talaga sa school namin is kapag June to December, academics lang talaga ang focus namin. So kapag January to March, puro extracurricular activies na lang ang inaatupag namin. Intrams for January, Prom for February, at Graduation for March.
Ang bilis nga ng araw. In 3 months, graduate na kami ng high school. Parang kahapon lang yung sobra akong napapraning na wala akong makakausap dito pero eto ako ngayon. Hindi man ako nag high school dito nang apat na taon, ang dami ko pa ding nakilala dito. At syempre, dahil naing classmate ko si Juster, mas lalo ko pa siya nakilala. Kung akala ko pag lalo ko siyang nakilala, unti unting mawawala yung nararamdaman ko sa kanya pero ayun. Ayaw ata ni Lord.
Maaga akong nagising kaya di ako nagmamadaling magayos. Bumaba na ako para kumain. Si Kuya Dan 10:00am pa daw ang pasok kaya wag ko na daw siyang lutuan, so Koko Krunch na lang ang kinain ko. Umakyat na ako para maligo at magbihis. Di ko na chineck yung bag ko kasi tiningnan ko na kagabi kung may naiwan ba ako o wala.
Nahalata kong sobra pa palang aga, hindi naman gaanong kalayuan yung school namin so halos 25 minutes pa bago magsimula ang klase. Pero mas maigi na yung masyadong maaga kesa late diba? So ayun, lumabas na ako ng bahay.
Pagdating ko sa school, wala pang masyadong estudyante. Binati ko si Kuya Guard saka akyat papuntang classroom. Akala ko wala pang tao kasi sobrang aga pa, pero andun na yung isa kong kaklase na tagabukas ng classroom. Di naman kami gaanong close kaya nginitian.
Usually daw kasi pag January, okay lang kung saan na umupo kasi wala naman na kaming aatupaging academics pero wala naman akong ibang maupuan so naupo ako dun sa dati kong upuan sa may tabi ng pader. Hinintay ko lang magsidatingan yung iba kong kaklase, natapos ko na kasing basahin yung mga bagong librong niregalo sakin nina mama kaya di ako nagdala.
Di rin nagtagal, nakita ko nang pumasok si Rae sa classroom.
"Jus!" sabi niya habang kumakaway tapos umupo siya sa may right ko. Nagkwentuhan lang kami sa kung anong ginawa namin nung mahabang break. Pito na kami sa classroom nung nakita kong dumating na si Juster. Na-weirdohan nga ako kasi himala, ang aga niyang pumasok.
Nagkatinginan kami tapos bigla siyang sumimangot.
"Kakaasar, walang kwenta yung maaga kong pagpunta," sabi niya habang naupo sa may likuran. Lumingon ako tapos tinanong kung bakit ang aga aga may pinoproblema siya.
Tumingin siya sakin pagkatapos naman ki Rae, "Ang aga ko na ngang pumasok para mauna diyan sa upuan na yan, nauna ka pa rin." Natawa lang si Rae habang kumunot naman yung noo ko.
"Dami mong problema pwede ka namang maupo sa unahan kung ayaw mo diyan sa likod," sabi ko.
Tiningnan niya ako sabay sabi, "Manhid mo din, noh? Kelangan talaga i-spell out ko sayong gusto ko diyan sa tabi mo?"
Narinig kong tumawa si Rae, "Ikaw daw manhid, Jus, oh!"
Iniwas ko yung tingin ko ki Juster. "Baliw."
"NABABALIWWWW NA AKOOOOO, SA IYOOOOO!" kanta niya pagkatapos, di ko maiwasang ngumiti pero di niya naman ata nakita kasi nakatingin na ako nun sa unahan.
Di nagtagal, 5 minutes na lang bago magsimula ang klase kaya napuno na yung classroom. Narinig ko si Juster habang kinakausap si Rae na palit daw sila ng upuan bukas. Inaasar naman ni Rae si Juster na ayaw niya daw pero in the end sabi niya hindi naman daw talaga siya dun mauupo kasi since class officer siya, palagi siyang nasa unahan nagdidiscuss ng plano sa Intrams o kaya naman nasa labas, kausap yung ibang officers sa ibang section. Narinig kong nag 'yey!' si Juster. Hay nako. Hindi naman sa ayaw ko (sino ba naman ang ayaw makatabi yung taong gusto nila?), pero alam niyo yung feeling na masyadong nakaka self-concious pag malapit si Juster? Yun yun.

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Fiksi RemajaSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...