Chapter Seventeen

98 3 0
                                    

Mahal ko na yata si Juster.

Masyado bang mabilis ang mga pangyayari? Parang kahapon, gusto ko lang siya pero ngayon mahal ko na? Paano mo ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Oras ba ang nagdidikta nito? Dahil ba matagal mo na siyang gusto, eh masasabi mong mahal mo na? Kapag ba nabago niya yung dating ikaw? Yung tipong nag 180 degrees turn ka? Ang gulo. Ano nga ba ang mga basehan? 

Masasabi mo bang mahal mo siya dahil umiyak ka na dahil sa kanya? O kaya naman nakagawa ka na ng mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo? Dahil ba nagpakatanga ka na para sa kanya? Kapag andiyan ka pa din para sa kanya, kahit alam mo lahat lahat ng kagaguhan at kabulastugang nagawa niya?

Sa totoo lang, hindi pa din ako sigurado sa mga basehan na nailista ko. Siguro nga sa ngayon, hindi ko pa masasabing may alam na ako sa pagmamahal (in a special kind of way) sa isang tao. Hmm.

Kung ibabase ko man to sa nararamdaman ko para kay Juster, siguro, para sakin—na isang hopeless romantic na walang magawa sa buhay—masasabi mong mahal mo ang isang tao kapag sumasaya ka kapag nakikita mo siyang masaya. Siguro, kapag hindi ka mapakali sa tuwing hindi ka nakakahalugilap ng balita tungkol sa kanya. 

"You know you love someone when you can't experience anything without wishing the other person were there to see it, too."

Isa pa to. "When you love someone, you always put them first."

Siguro, isa pa yung kahit gaano pa kasiksikan sa isang lugar, hahanap-hanapin pa rin ng mga mata mo yung taong yun, kahit alam mong wala naman siyang dahilan para mapunta sa lugar na yun.

Katulad ngayon.

Nagsimula na ang inaabangan ng mga estudyante at mga manggagawa: Christmas Break. Ayun, ang bilis ng takbo ng oras. Kakatapos lang ng exams namin para sa Third Quarter. Dito kasi sa school namin, hanggang Third Quarter lang kami, meaning, pagkatapos na pagkatapos ng exams, puros events lang kami from January to March.

Natapos na din yung Christmas Party namin. Wala si Juster. Hindi naman siya gaano kabongga. Kanya-kanyang party lang kada section pag umaga, pagkahapon naman hanggang gabi, halo halo na lahat ng batch sa school grounds. Natural, may mga larong naganap tapos mga intermission number. Dahil nga nasa Music Club ako, nagperform ako kasama yung iba kong ka-member. Isang number lang naman kung saan kumanta kami ng isang Christmas song. Tapos ayun, kainan, intermission ng Dance Troupe, blah blah. Nothing new.

So, ayun nga. Pagbalik namin ng school, puros lang kami events. Kasama na dun yung Instramurals A.K.A Ang Digmaan ng Iba't Ibang Batch (as Rae calls it). Ma-effort kasi ang batch namin, yung tipong halos gagawin ang lahat basta lang manalo; add the fact na last Intrams na namin to as high school students. At dahil nga diyan, siguradong busy din kami kasi magga-graduation na din. Tapos meron pang Prom. Ang dami dami pa naming events, kaya kung iisipin, medyo feeling namin matagal-tagal pa ang three months naming natitira sa school na to.

Back to what I was saying, sa ngayon, kakatapos lang naming magsimba ng pamilya ko para sa huling araw ng simbang gabi. Meaning, bukas, Pasko na. And yep, oo, umuwi na muna sina mama at papa galing sa business trip nila (babalik din agad sila kaya New Year, hindi namin sila kasama). Ang saya, diba? Dahil nga nakasanayan  na namin ni Kuya nang kasama ang buong pamilya tuwing pasko, umuwi na muna sina mama para naman daw hindi kami malungkot ni Kuya. 

So, yun nga. Ang dami daming tao sa labas ng simbahan pero eto ako, hinahanap pa rin siya. Sinong siya? Eh sino pa nga ba ang kaisa-isang taong hahanap-hanapin ko sa isang lugar kahit alam kong wala siya? Bumisita daw (sabi sakin ni Kuya) kasi sila sa mga kamag-anak nila kaya obviously, wala siya dito.

Wala siya, pero hinahanap ko pa din siya.

Ewan ba. Nakakahawa nga talaga ang sira nun sa ulo.

Kumain kami sa labas pagkatapos saka umuwi na. At dahil nga hindi naman kami masipag ni Kuya, hindi namin naisipan mag-decorate ng bahay. Eh si mama, sobrang hilig sa mga ganyan kaya buong gabi, busy siyang magsabit ng parol at kung anu-anong christmas lights sa loob at labas ng bahay. Pagpatak ng alas-dose, nagsikain na kami. Binigay na din samin nina mama yung regalo nila.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon