Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung pano ako nalagay sa sitwasyong to. Parang last week lang, napahiya ako dahil sa isang tao na ipinagsigawang bukas yung zipper ng shorts ko, and it turned out na yung taong yun eh barkada pala ni Kuya. Ang liit nga naman ng mundo. Di ko alam na si Kuya pala yung tipong mangbabarkada ng manyakis. Hahaha.
And then yun, nasanay na akong nakikita si Juster sa bahay namin. Lagi naman kasi silang tumatambay dito kapag wala silang skate sesh or tapos na. Malapit kasi yung skating park dito sa sa bahay namin. Hindi naman siya gaanong kalakihan, may mga dalawa to tatlong ramps lang naman.
Minsan din dun kami tumatambay ng barkada ko. Mauupo sa isang bench sa gilid, manunuod ng mga taong nagsi-skate or kaya naman mag-gigitara at magkakantahan. Edi syempre, dahil dun nagsi-skate sina Kuya, nakikita ko si Juster.
And he's not that bad, I guess. Oo, inaaway at inaasar niya pa rin ako pero nakasanayan ko na lang at hindi ko na lang masyadong pinapatulan or iniintindi. Pero ang kulit niya talagang tao. Seryoso. Kapag inasar niya ako tapos wala akong ginawa bilang resbak (magtaray, belatan, etc.), mas lalo pang mangungulit at kakalabitin ka ng paulit-ulit hanggang sa wala na akong ibang magawa kundi tumingin sa kanya tapos sabihan ng 'Ano ba kasing problema mo?' Most of the time, sasagot na lang siya ng, 'Wala naman,' tapos ngingiti saka aalis na.
Ang weird ng taong yun, no? Grabe talaga ang tama sa utak.
Anyway, nasa kwarto lang akong nakahiga at nakikinig sa mga kung anu-anong kanta. Mahilig kasi akong mangulekta ng albums at cds para may libangan kaya naman may isang napakalaking shelf na nakalagay sa kwarto ko na punong-puno ng mga cd. Anyway, yun nga. Nakahandusay lang ako nung na-receive ko yung text ni Tin na pupunta daw sila sa bahay namin in less than 5 minutes.
Syempre ang reply ko naman eh, 'Weh?' kasi alam ko namang expert masyado sa filipino time tong mga barkada ko. It's either darating nga sila in five muntes or mageextend ang arrival nila ng 10 minutes more. Galing ko magestimate ng oras, no? Well, ilang beses na kasi tong nangyari at medyo nakasanayan ko na. Pero kung akala ko eh effective yung filipino time, hindi pala.
Bumukas yung pinto ko at nakita kong papunta sa kama ko si Tin, Xandra, at Lex sabay dive yung tatlo sakin.
"Aray! Bwiset kayo! Nadadaganan ako! Hoy!"
"Parang di namin alam!" sabi naman ni Xandra habang si Tin at Lex naman ay tawa ng tawa. And so, dahil nga nadadaganan ako, sinubukan kong paalisin yung dalawa sa ibabaw ko. Nauwi sa kilitian, pillow fight at sigawan yung laro namin. Nahulog pa nga si Tin sa kama at tawa naman kaming tawang apat. Kahit ganito lang, masaya na kami. Ang babaw nga ng rason, pero masaya. Sobra.
Inayos naman na namin yung mga sarili namin bago bumaba. Ang gugulo nga ng mga buhok namin, kulang na lang pamahayan na ng kung anong hayop.
Pagbaba namin, andun sa may sala sina Ej at Nico. Tinanong ko sila kung bakit wala si Kuya Bons, malapit na daw kasi yung parang entrance something sa school niya. College pa man din na si Kuya Bons, masama yung napapariwara dahil lang sa barkada. Oo, malungkot kapag di kami kumpleto pero okay lang, lalo na kung para sa ikabubuti naman ng lahat yung rason.
Ayoko din namang isipin nina Tito at Tita na masyado kaming bad influence sa anak nila. Although I know na it's highly unlikely kasi kilala na nila kami, as in, kilalang-kilala na parang parents na din namin sila. Alam naman nilang hindi kami yung tipong pipiliting sumama yung barkada lalo na kapag makakahadlang sa responsibility namin as students and teenagers.
Yun na nga, actually, wala namang dahilan sa kung bakit pumunta dito yung mga kaibigan ko. Yung usual tambay lang naman to for sure, nagkataon nga lang sa bahay namin yung tambay. Maaga pa. Hindi pa kami naglulunch kasi 9:34AM pa lang naman. Dun lang kami sa may sala nag-stay at nanuod ng movies.
BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...