Chapter Eight

103 4 4
                                        

"Oh, ba't magkasama kayo?" yun yung unang tanong ni Kuya nung pinagbuksan niya kami ng pinto ni Juster. Pano ko nga ba to sasagutin? Dahil nagkataon lang na pareho kaming inabutan ng malakas na ulan? At dahil nagkataon din na pareho kami ng sinilungan? At dahil pareho din kami ng pupuntahan? Destiny?

Yak, ano ba Maria Allyson Justinne Ramos. 

Baka naman nagkamali ka lang kanina. Baka hindi mo naman talaga gusto yang si Juster. Baka naguluhan ka lang. Baka naman masyado ka lang nasilaw sa ngiti niya. Baka hindi naman talaga. Nakakatawa. Ang dami-dami kong rason na sinasabi para kumbinsihin ang sarili kong wala at mali lang talaga yung iniisip ko kanina—pero alam ko namang hindi ako nagkakamali.

Malinaw na malinaw at walang kaduda-duda.

Si Maria Allyson Justinne Ramos, na akala niya'y makikilala niya ang taong magugustuhan niya sa isang romantikong lugar, ay nahulog na ang loob para sa taong nagngangalang Juster Ryan Quintes, na nakilala lang niya sa isawan sa kanto.

"Nagkataon lang na naabutan kami parehas ng ulan tapos pareho pa yung napagsilungan namin," in-explain ni Juster. "Alam mo yun? Yung tinatawag na dest—" tinakpan ko yung nguso niya.

"Ituloy mo yang sinasabi mo at isusumpa kong hindi ka na makakatapak ng kahit isang paa dito sa bahay na to," sabi ko. Inalis ko na yung kamay ko at pumasok sa loob. Sumunod naman si Juster, nang-aasar pa nga ng, 'Wuy. Miss sungit!' Pero tsk. Bahala na nga siya sa buhay niya  Leche kasing Juster to, oh. Sinira yung pinapangarap kong first meeting.

Pumunta na ako dun sa hagdan para makapagpalit ng damit pero nakita ko naman si Kuya Aaron. Nakita niya din akong tumingin kaya kinausap niya ako. Nag-usap naman kami nun ng sandali pero umakyat na din ako pagkatapos. Ewan ba. Hindi na tulad nung dati, eh. Oo, kinikilig pa din ako tuwing nagkakatinginan kami sa mata. Napapangiti ako. Pero yun na lang yun. 

Yung ki Juster eh iba. Yung tipong kinakabahan ako kapag alam kong malapit siya sa kinatatayuan ko. Parang feeling ko kulang na lang eh tanggalin ko yung puso ko mula sa dibdib ko para hindi ko na maramdaman yung sobrang kaba. Kapag bubukas yang nguso niya para asarin ako, kahit sabihin kong naiinis ako sa kanya, hindi eh. In fact, napapasaya niya ako.

Kahit alam kong hindi siya seryoso sa mga banat niya, umaasa pa din ako na sana...sana kahit konti, totoo. Pero hellooo, si Juster yan, Justinne. Magaling lang talaga siyang bumanat. At tanga ka kasi pinabayaan mo ang sarili mong mahulog sa isang tulad niya.

Kasi wala kang kasiguraduhan na sasaluhin ka niya.

Masyado akong nagtiwala sa sarili ko na kahit kailan eh hindi matutumba yung pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa. Pero si Juster yung taong hindi man makalagpas sa pader na yun, patuloy niya parin itong bubungguin hanggang sa masira. 

Laryo sa laryo.

Bato sa bato.

Piraso sa piraso.

Hanggang sa wala nang matira.

Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos nun, nahiga na ako sa kama ko at kinuha ko yung phone at headphones ko. I'll just drown myself with songs hanggang sa maliwanagan ako.

I don't know but I think I may be falling for you, dropping so quickly.

Maybe I should keep this to myself, wait until I know you better. 

Lechugas talaga. Talagang dapat pati na lang kanta patatamaan ako? Takte.

I am trying not to tell you, but I want to. I'm scared of what you'll say.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon