November na kaagad. Ang bilis talaga ng panahon. Ilang buwan na din akong nasa school ko. And I must say, it isn't that bad. Marami-rami na din akong naging kaibigan. Pati nga sa ibang section, may mga kakilala na ako. Pati na din sa ibang year, may nakakausap na ako sa tuwing magkikita sa corridor or kung saan mang lupalop sa loob ng school na to.
Siguro dahil sa pag-sali ko sa Music Club (na halos tatlong beses sa isang linggo mag-meeting), or baka naman dahil kina Rae, or kaya kina Juster at kina Kuya din.
Siguro kung wala sila, I'll be the same Justinne na loner. Hahaha.
Oo, wala namang masyadong bago ang nangyayari araw-araw. Nung second week, nagkaroon kami ng orientation. Pati mga datihan. Kung sakali daw nakalimutan nila yung school rules at regulations. Lessons, monthly activities, contests, at kung anu ano pang ginagawa sa isang normal na school. Pauli-ulit na lang nga. Pero kahit ganun, masasabi ko namang masaya ako sa sistema ng buhay ko ngayon.
Kahit ilang beses pang guluhin nitong ugok na kanina pa nagpapapansin, okay lang.
Eh ano pa bang magagawa ko? Ito yung taong gusto ko, oh. Hellooo.
"Jus," sabi ni Juster na nasa gilid ng upuan ko. "Justinne naman, oh. Wag ka naman kasing ganyan," tinap niya yung balikat ko. HIndi naman ako kumibo dun sa upuan ko. Nagbabasa lang nung bagong libro na nabili ko sa NBS. Hindi ko siya pinansin.
Rason? Eh pano ba naman kasi tong sira ulo na to. Kanina pa nangungulit, kulang na lang mabingi ako. Kahit gustong-gusto ko na naririnig yang boses niya na tinatawag yung pangalan ko, iba naman ngayon. Nakakairitang pakinggan.
Okay. Joke lang yun. Hay nako. Kaya ko bang magalit dito? Hindi, eh.
Gusto kasing magpasama sa ewan ko kung saan. Hinila pa nga ako pero sinipa ko yung paa. Sumigaw pa nga ng, "Aray! Napaka-barbaric mo namang tao!" At take note, nasa may corridor kami ng college building, kasama sina Rae pati yung iba niya ding barkada at si Juster galing computer lab (may ibibigay lang daw si Juster kay Kuya kaya daanan na daw namin). Kaya ano pa ba ang ineexpect mo? Narinig ng sandamakmak na mamamayang nasa building na ito.
Again, napahiya na naman ako dahil sa kanya.
Ang simple ng rason, pero nakakahiya kasi talaga. Sabayang nagtinginan yung mga nandun tapos nagtawanan. Bwiset. Ano bang problema ng mga to? Ikaw ba naman hila-hilahin, di ka ba papalag? Kahit si Juster pa yan. Baka mahimatay ako on the spot.
Pano ba naman, hawak niya na naman yung kamay ko.
Baka hindi ako makahinga kapag tumagal pa.
"Justinneeee," he whined. Hindi pa rin ako kumibo. Ilang beses niya din akong tinawag at tinap pa sa balikat pero wala. Ang hipokrita ko ba kung sabihin kong natutuwa ako sa ginagawa niya ngayon? Oo na. Sa totoo lang, minsan lang tong mangyari kaya pagbigyan niyo na ako. Baka hindi na maulit, eh.
Kahit isang beses lang na ako lang yung nasa isip niya, masaya na ako.
Katabi ko nun si Gel. Natatawa pa nga, eh. Sinabihan pa nga si Juster ng, "Ang kulit mo din naman talaga, ano? Ayaw ka ngang kausapin."
"Baka mamatay ako kapag di ako pinansin ng Jus ko," sumimangot si Juster.
Putakte kang paasa ka. Sana makaapak ka ng bato mamaya pag-uwi mo. O kaya naman matapilok. Leche.
"Ang cute niyong dalawa, shet. Bahala nga kayo diyan," Tumawa lang lalo si Gel saka naman umalis. Baka may gagawin pa. Wala kasi kaming teacher ngayon. On leave daw. Nag-iwan lang ng activity para gawin namin. Kapag natapos ka kaagad, swerte ka kasi pwede mo nang gawin kung anong gusto mong gawin. Kahit lumabas ng room para tumambay sa canteen, okay lang. Teamwork kasi dito samin. Walang laglagan. Haha.

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...