Friday na kaagad. Meaning, tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos nung nangyari saming tatlo nina Rae at Juster sa gym. Masyado bang mabilis ang istorya ko? Siguro nga, para sainyo, oo. Pero para sakin hindi. Ang bagal ng oras nitong tatlong araw.
Para bang sinadya na pabagalin ang oras para mas lalo akong mahirapan.
Yung tipong araw araw mo ngang nakikita yung taong gusto mo pero hindi mo naman magawang kausapin or tingnan man lang. It's not a big deal naman kasi talaga. Yung nangyari sa gym? Ewan ba. Ilang beses na akong nasanay sa mga pang-aasar ni Juster, pati nga yung 'ew, no thank you' niya nung sinabing nage-LQ daw kami, kinaya ko. Hindi ko naman sinasabing hindi ko yun iniisip kasi affected nga ako. Pero para bang mas affected ako dun sa sinabi ni Juster sa gym.
Ano namang pakialam ko?
Tatlong araw na pero hindi pa rin mawala sa isip ko yang mga salitang yang. Ano naman ba kasi ang pakialam niya? Diba? Hindi ko naman siya gaanong kakilala, nag-uusap lang kami kapag mang-aasar siya or kaya naman mang-aaway. Magkaklase. Magkakilala. Kapatid ako ng isa sa mga kaibigan niya.
Yun lang kami.
Kaya ano nga ba ang pakialam niya? Tsaka, kasalanan ko din naman to, eh. Dapat simula pa lang nung inamin ko sa sarili ko na gusto ko siya, hinanda ko na ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Kasi alam ko namang hindi to maiiwasan, yung masaktan. Lalo na't alam mong siraulo nga yung minamahal mo.
Pero kahit anong gawin at sabihin sa sarili ko na: Wala lang yun, Justinne. Hindi ka na nasanay. Masakit parin; masakit na lumabas mismo sa bibig ng taong minamahal mo yung mga salitang yun. Siguro, kung hindi ko hinayaan na patuloy akong mahulog sa kanya, hindi sana ako nagkakaganito. Pero hindi, eh. Kahit kailan hindi ko iisipin na sana hindi na lang siya, na sana hindi ko na lang siya nakilala. Kasi kahit papano, napapasaya niya pa rin ako.
Martyr much ba ako? Siguro nga. Isa lang naman kasi ang alam ko ngayon: Si Juster lang.
Si Juster lang. Kahit ilang beses niya akong saktan, paiyakin at sayangin ang luha, awayin, ayos lang basta siya. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, diba? Papabayaan mong masaktan yang sarili mo, makita lang siyang masaya.
"Jus," inalis ko yung titig ko sa notebook ko para tingnan si Rae. Nakangiti siya sakin.
"Po?"
"Okay ka lang?"
"Gusto mo ba yung totoong sagot?"
"Sino ba naman ang nagtanong na ayaw malaman yung tunay na sagot?" ginulo niya yung buhok.
Ngumiti ako. "Hindi, eh."
"Hindi pero nakangiti ka?"
"Alangan namang humagulhol ako dito, diba?" Tumawa ako.
"Oo na. Okay lang naman na pagbuhusan mo ako ng sama ng loob, eh," sagot niya. "Basta wag lang dito, mamaya niyan sisihin pa akong pinaiyak kita, magalit pa si J mo."
"Pssh. Magalit? Wala naman yung pakialam, eh."
"Oy, hindi ah. Ganun lang yun kasi nagseselos."
"Bakit? Dahil gusto ka niya?" Tumawa ako.
"Tunge. Bahala ka nga," sumimangot siya sakin. "Ay, nga pala, pwedeng favor? Pinapaiwan sakin ni Kuya Jarred tong mga bond paper na to sa music room. Kaya lang may meeting daw yung mga officers mamayang uwian. Pwede ikaw na lang magdala?"
Officer pala yang si Rae. Ang cool, noh. Napaka-responsableng estudyante. Haha. Well, wala naman akong gagawin mamaya so pwede ding ako na lang ang magdala nito, para naman may maitulong ako sa club namin kahit papano. Sabihin pa niyan kabago-bago ko pero hindi ako mautusan ng konti.

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Подростковая литератураSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...