Madalas sa king maikwento ni mama na ang hilig hilig ko daw manuod ng Disney movies nung bata pa ako. Yung tipong kapag naglalakad daw kami sa Centro at may nakita akong cd or dvd na may nakasulat na "Disney" eh bigla na lang daw akong magsisitakbo na parang nakawala sa hawla ko (saka naman gagampanan ni Kuya yung role niya: paghahabol sa kin) papunta sa kung saang bilihan man daw yun, mapapirated o original.
Ako nga pala si "Jus." Maria Allyson Justinne Ramos. Windang ka sa haba, no? Ako din. Jus ang madalas itawag sa kin ng mga kaibigan ko. Si mama naman at papa eh Allyson, pero kapag narinig mo na yung pagkahabahabang "Maria Allyson Justinne Ramos!" aba, maghandahanda ka na, baka huling araw mo na sa mundong ibabaw.
Fairytales. Isipin ko pa lang, napapangiti na ako. Siguro nga, ako na yung taong matatawag mong baliw na masyadong naniniwala sa destiny and fairytales. Ako na nga yung laging napagtitripan ng mga barkada ko na masyado daw akong madrama pagdating sa mga bagay bagay.
Mahilig akong magbasa, makinig sa kung anu ano mang mga tugtugin, tumugtog ng gitara, pati na din pagkanta na namana ko daw sa lola ng lola ng lolo ng lolo ko, syempre joke lang yun, kay mama ko nanggaling tong boses na to, at magbike. Hindi ako interesting. Mahilig din akong magobserba ng mga tao. Sa kung ano ba ang iniisip nila sa mga oras na yun, at kung anu ano pa. Pati na din magadvice tungkol sa problema sa pagibig, kinareer ko na din. Ako na siguro ang matatawag na Mama Jus dito saming magbabarkada.
Magfofourth year na ako sa high school pagkatapos nitong bakasyon na to, pero kahit 15 na ako eh wala pang lalake ang nabulag at pumatol sakin. Normal pa din naman yun, ah? Pero kung ikukumpara mo kasi sa iba, nakailang pasts na sila. Kesyo pati nga yung grade six na kakilala ko'y nakadalawa na.
Well, hindi rin naman kasi nakapagtataka. Hindi naman ako kagandahan, simple lang ako. Hindi ako masyadong mahilig makipaginteract sa mga taong di ko naman gaanong kilala. Hindi din ako yung matatawag mong "chicks," dahil yun nga, simple lang ako at di din sexy, may pagkachubby nga eh. Hindi din ako matangkad. Halos 2 centimeters lang nga ang nilalaki ko sa dalawang taon. Hindi din ako mahilig magayos ng sarili. Yung tipong lugay lang, disenteng damit, gora na. Hindi rin mataas ang self confidence ko. So overall, hindi naman talaga ako kagandahan kaya walang pa ding nagkakamali.
Pero kahit ganon, naniniwala pa din ako na somewhere out there, may isang lalakeng nilaan sakin ni Lord. Yung lalakeng magugustuhan ako dahil ako ay ako. Kasi naman, alam ko namang may mga lalakeng natitira pa na hindi lang looks at kaseksihan ang binabasehan sa pagmamahal. Yung mga lalakeng hindi perpekto ang hinahanap kasi ika nga nila, walang tunay na depinisyon ang salitang "perperkto," nasa tao na yan kung ano ang pagkakaintindi nila dito. Siguro hindi ka nga perpekto, pero sa taong mahal ka talaga ng buong-buo eh oo, perpekto ka kasi ikaw yan.
Anyway. For now. Kontento na ako sa kung ano at meron ako. May pamilya ako, may mga kaibigang alam kong hindi ako iiwan sa ere, at andyan naman si Lord.
Pero kung akala ko eh ayos na ayos na ang lahat sa punto ng buhay ko ngayon, hindi pala. Bakit? Kasi sinira ng isang mokong na walang naidulot na mabuti sa buhay ko.
Si Juster Ryan Quintes.

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...