Chapter Eleven

120 4 0
                                    

Monday came rather quickly.

Buong Saturday at Sunday, wala lang akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto, tumambay sa bahay ng isa kong barkada, matulog, magsimba, tapos ayun. Paminsan-minsan din, nagba-bike ako ng mag-isa para maglibot ng subdivision kasi boring. At, nadadaanan ko din yung skate park.

Oo na. Sige na. Aamin na ako.

Naglilibot ako para madaanan ko yung park. Nagbabakasakaling andun siya. Nagpapakahirap ako sa kakapidal para lang makita siya. Pero wala. Wala siya dun. Everytime na ganun, parang ang bigat sa pakiramdam. Ang sama ko kasi hindi na ako nakuntento na halos araw-araw ko siyang nakikita sa school kasi nga magkaklase kami.

Ang labo ko naman kasi. Kapag nandiyan siya, todo dedma or taboy lang ako sa kanya. Kapag wala naman, saka ko naman gustong gustong huntingin. Pero sa tuwing dumadaan ako sa park, ito lang ang nasa isip ko:

Sana andyan siya.

Eto na nga. Monday na. Parang half day lang kami ngayon kasi nga mamaya na yung pilian ng club. Most of the time kasi, madaming nagpapalit ng clubs para daw maka-experience ng iba iba. Kaya ayun, busy lahat. Pati teachers kasi kinukuha nila tong oppurtunity na to para magmeeting. So, parang officers ng club na lang ang nagfafacilitate. Kaya nga busy masyado si Rae.

"Justinne," lumapit sa akin si Gel na isa sa mga barkada ni Rae. "Anong club ang sasalihan mo?" tinanong niya ako saka naupo dun sa upuan sa tapat ng desk ko.

"Di ko pa alam, eh," sagot ko naman.

"Kung sa sports club ka na lang kaya? Tutal makakasama mo naman sina Kuya mo, para hindi ka naman mag-isa," ngumiti siya. Mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti. Haha. Dito kasi, parang ginegeneralize na lang yung iba't ibang activities sa iisang club. Parang sa sports club, lahat na andyan.

Basketball, volleyball, baseball, etc. Pati din nga skate, which is considered a sport, andyan na din. Pero konti lang ang nasa sports club na nagsi-skate, eh. Kaya pinaghalo na yung members sa college at high school department. Kaya nga magkakasama sina Juster at Kuya.

"Sports? Para mag-skate? Ah, ewan kas—"

"Sus, yang si Justinne? Magsi-skate?" sumingit si Juster. "Eh halos ayaw na nga niyang bumitaw sa kama—"

"Sige, ituloy mo lang yang sinasabi mo at mababatukan talaga kita," tiningnan ko siya ng masama. "Ang yabang mo, ah! Nung una nga tayong nagkita, feeling mo naman ang galing galing mo na. Nabunggo mo pa nga ako." tuloy ko.

"Grabe. Naalala mo pa yun? Medyo matagal na yun, ah."

Boom. Aray.

Kulang na lang magsabi siya ng, 'Hindi ko na nga siguro yun maaalala kung di mo pinaalala.'

Ikaw na lang pala talaga ang nakakaalala, Justinne. Wush. Parang wala lang pala talaga sa kanya yung una niyong pagkikita.

"S-Syempre naman! Ikaw ba naman taimtim na kumakain ng isaw tapos biglang may sisigaw na mumu tapos pagtingin mo, mabubunggo ka na, di mo ba yun maalala?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo na po, mam. Relax, magka-wrinkles ka nga diyan. Masayang pa yang ganda mo," sabi naman niya. Hindi na lang ako nag-react. Ayan na naman kasi siya, eh. Nakakaasar.

"Justinne!" lumapit naman samin si Rae.

"Po?"

"Marunong ka daw mag-gitara?"

"H-Ha? Kahit konti, oo naman. Bakit?" 

"Music Club ka na lang, please?" 

Kanino ba nalaman ni Rae yang information na yan? Parang kababalaghan lang kasi bigla na lang niya nalaman. 

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon