Love at first sight.
Marami-rami na din akong naencounter na nagsabing possible daw ito. I can't judge kasi sa totoo lang, hindi ko din naman alam ang feeling ng mainlove sa isang taong nakita mo lang sa unang tingin, tumibok lang ng mas mabilis sa normal na tibok ng puso ang puso mo nung nagkatinginan kayo sa mata, makikita mo yung sinasabi nilang "spark," alam mong in love ka na.
At dahil nga sa sobrang kahiligan ko sa Disney, papasok at papasok pa din sa istoryang ito ang isa sa mga Disney Princesses. Si Ariel. Kung hindi pa ganun kapurol ang aking memorya, masasabi kong natatandaan ko pa kung paano siya nagkagusto sa isang prinsepeng nagngangalang Eric.
Dahil sobrang nababagot na siya sa ilalim ng dagat, with the help of her bestfriend na si Flounder at pati na rin ang napasubong si Sebastian, nilakbay nila ang napakalawak na dagat hanggang sa makaabot sila sa taas at makita kung paano nabubuhay ang mga tao.
Saktong sakto naman at nung gabing yun din, nagkaroon ng kasiyahan dahil kaarawan ng prinsipe. Dito unang nakita ni Ariel si Prinsipe Eric, at yun nga, na "love at first sight."
Dahil nga nainlove na siya dito, masagip lang mula sa kapahamakan ang prinsipe, hindi na siya nagdalawang isip kahit may makakita sa kanyang ibang tao.
So yun nga, siguro nga posible ang love at first sight, siguro naman hindi.
Ah. Masyado na bang walang koneksyon sa istorya ko yung pinagsasasabi ko? Wag kang magalala. Di naman ito nalalayo sa dapat ko talagang ikinekwento. Imbis na love at first sight, iba naman ang pinaniniwalaan ko.
Hate at first sight.
Diyan, diyan ko masasabi ng walang kadudaduda na oo, naniniwala ako sa katagang yan.
Ako si Jus at ito ang aking istorya.
Masasabi ko bang boring ang bakasyon ko kung andyan naman yung mga barkada ko? Ikaw ba naman araw-arawing pestehin, aba, ewan ko na lang kung di ka pa ma-bored kasi siguradong busy ka sa kakabara sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan mo. Okay lang naman, sanay na ko at mahal ko din naman sila kahit grabe ang mga tama nila sa utak.
Anyway, yun nga. Bakasyon ngayon. Pito kaming magbabarkada na halos buong buhay nang magkakilala. Well, not really pero parang ganun na din yun. Apat kaming babae which is ako, si Tin, si Xandra, at si Lex. Tatlo naman ang lalake; sina Ej, Nico, at Kuya Bons. Halos hindi mo nga kaming pito mapaghiwalay, eh. Ang problema nga lang, ako, si Xandra, at si Tin, nagaaral sa isang all-girls school. Habang yung iba naman, sa co-ed.
Nagkataon nga lang na sa iisang subdivision lang kami nakatira at yun. Tambay sa bahay ni ganito (tutal, kilala naman na kami ng mga magulang namin, parang one big happy family nga ang dating namin kada may okasyon kasi sama sama kaming magpapamilya), tapos magbibike naman at iikutin yung subdivision, foodtrip, tugtugan session kung saan ako ang nag-gigitara, si Kuya Bons naman ang magbebeatbox. Overall, masasabi kong masaya.
Ang weird nga, eh. Kasi diba sa barkadahan, hindi maiiwasan yung conflicts? Pero samin, rare lang yun. Siguro kasi nakaugalian na ng bawat isa na wag palalain yung issue or wag makinig sa mga sabi sabi instead, maguusap, magki-clear up ng mga bagay bagay, at yun. Walang away na mangyayari kasi nagkakaintindihan kami. Swerte ko nga sa kanila ako bumagsak, eh. Kahit gaano pa kabungangera si Tin, kaprangka si Xandra, kabaliw sina Lex, Ej at Nico, at kamature si Kuya Bons, parang parepareho pa din kami.
4:37 PM ng Sabado nung nagbabasa ako nang biglang nagvibrate yung phone ko. At syempre, sino pa nga ba ang ineexpect kong magtext? Wala naman kasi akong ibang circle of friends dahil hindi naman talaga ako yung sociable type. Hindi ako mahilig magsimula ng conversations at lalong lalo na ang mag-hi na lang bigla bigla sa kung kanino man. Hindi pa ganun kasira ang ulo ko tulad ng ki Lex, no.
BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Novela JuvenilSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...