Chapter Seven

120 4 2
                                        

Ayun. June na kaagad. Isang araw na lang, pasukan na. Isa sa mga kinakatakutan kong araw sa buhay ko. Pano ba naman? Isipin ko pa lang na mag-isa ako, natatakot na ako. Sa totoo lang kasi, bago ko makilala si Tin, lagi lang akong mag-isa. Walang kinakausap, nakaupo lang sa loob ng classroom, inoobserbahan ang mga taong nakapaligid sakin.

Dati pa naman talaga akong mag-isa. I used to think na I don't really need people talking to me. Loner na nga, in short. Hindi ako ang nagsisimula ng conversations. Kapag may kumakausap sa akin, it's either kaunti lang ang isasagot ko or hindi na ako iimik.

I go to school. Sit there. Wait for the bell to ring. Go home. Repeat.

Routine na nga ata yun para sakin. At take note, elementary pa lang ako nun pero I didn't trust people easily. Madrama kasi akong tao. Haha. Hanggang sa yun, hindi ako tinigilan ng madaldal na si Tin. Kinausap niya ako araw-araw. Maggi-greet ng, "Good morning!" Magtatanong ng, "Kumain ka na ba? Sabay na tayo!" at kung anu ano pa. Little by little, I opened up to people. Marami na saking kumausap simula nun. Si Tin yung taong nilabas ako sa lungga ko.

Ayoko nang maulit yung dating ako sa bago kong school.

Sana...Sana may isa pang tao dun na handang magligtas sa akin.

Nakahiga lang ako sa kama ko nun, nagrereply sa mga text ng kaibigan ko habang nakabukas yung TV sa Disney. May marathon kasi ngayon ng mga disney movies, alam na naman siguro ng lahat na mahilig ako dun kaya hinintay ko na. 

Ganun lang ako for hours. Si Tin, Lex, at Kuya Bons lang naman ang katext ko nung mga oras na yun. Kaunti lang kasi ang nasa contacts ng phone ko kasi nga, yun. Hindi naman karamihan yung kaibigan ko kaya siguro mga 20+ lang na numbers ang nasa phone ko. Speaking of number, naalala ko tuloy yung nasa tricycle kami nung si Juster.

Pumunta ako sa contacts ko at andun pa din yung pangalan at number niya sa pinakaunahan. Napangiti ako sa hindi ko alam na dahilan. Joke! Wuy. Napangiti ako kasi naalala ko kung gaano siya kakulit. Pati yung mga baduy niyang banat, kapag iniisip ko, baduy nga pero nakakatuwa pa rin. Sino ba naman ang makapag-iisip na kaya kong makasama si Juster sa isang tricycle for minutes nang hindi ko talaga siya tinulak at pinatay ng tuluyan?

Mabait naman kasi talaga siya. Mabait na mayabang. Haha.

Pinindot ko yung "edit" option sa phone ko. Balak ko kasi talagang palitan yung pangalan niya. Baka kung sino pa ang makakita, iba pa ang isipin. Ayoko naman ng ganun. And kapag tiningnan mo, hindi si Juster-yabang ang type ko. Ang mga type ko eh yung mga good boy tulad ni Kuya Aaron. Yung alam mong marunong magseryoso. Too bad, hindi niya lang alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nung nakapagisip na ako ng ipapalit na pangalan sa pangalan ni Juster sa phone ko, biglang may kumatok sa pinto. Bumangon naman ako agad sa kama ko para buksan yung pinto. Si mama, in her usual business attire. 

"Oh, Ma. Bakit po?"

"Alam mo ba kung san pumunta yung Kuya mo? Naiwan yung phone kaya hindi ko ma-contact, eh. Hindi ko kasi mahanap kung san niya nilagay yung set of keys, nawala kasi yung sarili kong susi sa kotse, wala tuloy yung duplicate."

"Ah. Baka po nasa park lang yun, nagsi-skate. Sunduin ko na lang po tuloy."

Nginitian na lang ako nun ni mama at sinabing I was a big help daw. Yikee. Ang sabe. Hahaha. So, bumaba na ako at lumabas mula sa lungga ko. Nagpalit ako sa isang malaking t-shirt saka kinuha yung tsinelas ko at lumabas na papuntang park. Napansin ko na madilim yung langit pero hindi na ako bumalik para kumuha ng payong kasi malapit lang naman ako at hindi magtatagal.

Dapat sana nagmamadali ako pero hindi, eh. Masyado kasi akong na-distract dun sa tutubi na nakita ko. Ilang beses kong in-attempt na hulihin pero epic fail. Muntikan pa nga akong madapa kasi hindi ko nakita yung malaking bato kaya natapilok ako.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon