Tatlong araw na akong nasa school na ito.
Since Wednesday nagsimula yung pasukan, meaning Friday na ngayon. Kahit tatlong araw na ako dito, I can't say na nasanay at comfortable na ako sa surroundings ko. Bukod sa wala akong masyadong kakilala nga dito kundi si Rae (siguro pati na din yung barkada niya pero hindi ko naman sila ganun ka-close kaagad), si Kuya and friends, at si Juster.
Minsan, ang weird nga, eh. Kasi ang dami daming taong nakapaligid sakin, pero alam mo yun? Yung feeling na parang mag-isa ka pa rin. Ang drama lang, eh. Hahahaha. Pero ganun talaga minsan. Tapos hindi pa ako sanay na may guys nga. Oo, dun sa dati kong school, maiingay kaming mga babae. Pero dito, jusko, grabe pala kapag pinagsabay mo ang ingay ng mga babae at lalake. Halos mabingi ka na.
Meron ding times na kasabay kong mag-lunch sina Rae tapos kapag dadaan kami sa may corridor, nagtitinginan ang mga tao. Parang feeling mo isa kang kakaibang nilalang sa paningin nila. Hindi naman masama yung tingin nila, pero uncomfortable ako sa mga ganyan, eh. Ayoko kasing masyadong tinititigan.
Lalo na kapag kumakain ako.
"Gusto mo ba talagang ilampaso kita, ha?" tumigil ako sa pag-nguya ko para tingnan ng masama si Juster. Kanina pa tong ugok na to, eh. Ang sarap itapon mula sa bintana ng classroom naming nasa third floor.
"Ano na naman bang ginawa kong masama sayo?"
"Kanina ka pa diyan, eh! Hindi ako makakain ng maayos," sabi ko.
"Bakit? Naiilang ka na tinititigan kita habang kumakain?"
"Sino ba naman ang di maiilang diyan sa ginagawa mo?"
"Eh malay ko ba. Ikaw lang naman ang tinititigan ko habang kumakain, eh."
Bwiset talaga tong Juster na to. Isa pa talaga, makakakita to ng lumilipad na sapatos. Oo, aaminin ko, kinilig ako sa sinabi niya. Natural lang naman yun, diba? Ang hipokrita ko, eh. Hahaha.
"Pssh. Bahala ka nga sa buhay mo," sabi ko naman at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Edi pwede na kitang tingnan?" tanong niya ng nakangiti.
"Pwera dun. Nakakailang nga kasi!" sabi ko.
"Wushu. Di mo lang kasi ma-take tong kagwapuhan ko." Yan. Diyan ka magaling, eh. Magyabang.
"Di ko alam na nagpa-aircon na pala ang classroom natin, masyadong mahangin, eh," sabi ko't inirapan ko siya.
"Ano ba naman yan, Jus. Pati ba naman pagkakaiba ng electric fan at aircon, hindi mo alam?"
"Ang yabang mo, ah!" pinalo ko siya ng malakas sa braso niya. "Kanina ka pa namumuro diyan, eh. Asar."
"Kung hahayaan mo lang kasi akong titigan ka, edi wala nang problema! Ganun lang yun kadali," sabi niya.
"Kadali para sa'yo, pero para sakin? Naiilang nga ako. Ang kulit mo naman kasi," sumimangot ako. "Ano ba naman kasing mapapala mo kapag tinitigan mo ako? Ha? Aber?"
"Wala."
"Eh wala naman pala. Nagsasayang ka lang ng oras mo," sabi ko.
"Wala naman akong ibang magawa, eh."
Ayun na, oh. Bored lang kasi siya kaya ineentertain ka niya, Justinne. Assuming ka kasi.
"Kung kumain ka na lang kasi ng recess mo, edi nabusog ka pa," sabi ko.
"Wala ng oras para bumaba sa canteen, mala-late lang ako sa next subject," nag-pout siya. "Unless, bibigyan mo ako niyang kinakain mo at susubuan," ngumiti siya.
Pagkatapos niyang sabihin yun, nginuya at nilunok ko yung malaki-laking piece ng mamon na kinakain ko. Pagkatapos, tumayo ako para itapon yung pinagkainan ko at binelatan siya.
BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...