Narinig niya.
Yun lang ang tumatak sa isip ko simula nung nakita ko siyang lumalakad paalis. Parang . . . natutuwa ako na hindi. Natutuwa kasi andun siya. Narinig niya akong kumanta for the first time. More of, yung kantang saktong sakto pa sa nararamdaman ko yung narinig niya,
Malungkot kasi . . . alam kong wala siyang idea na para sa kanya yung kantang yun.
Kakakain lang namin ni Kuya. Medyo hindi kami sanay na kami lang ang magkasabay kumain. Pero wala naman kaming magagaw, diba? Pagkatapos nun, niligpit ko na yung pinagkainan namin at ako yung nag-hugas. Naka-schedule kasi ako ngayon.
Ang daya nga nitong si Kuya. Sarap ng buhay masyado, eh. Andun lang sa sala nanunuod ng basketball. Tss. Well, siya naman ang maghuhugas bukas kaya patas din naman, kahit papano (ang madaya nga lang eh kung makagamit tong si Kuya ng plato tapos kutsara't tinidor, wagas. Ang agang penitensya naman nito, oh), Hindi naman ganun kadami yung huhugasan ko kasi nga kami lang naman ni Kuya, pero nakakatamad nga.
Nung naghuhugas ako, hindi ko namalayang kinakanta ko na naman pala yung pinang-audition ko kanina.
Narinig niya.
"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
Nagulat ako ng sobra kaya muntik ko nang mabitawan yung baso, putakte. Magugulatin pa naman ako. Gusto na ata akong patayin nito ng maaga, eh. Pinalo ko naman si Kuya ng basa kong kamay sa braso habang tinawanan niya lang ako.
"Hindi ko alam na may batas na palang bawal ngumiti sa pamamahay na to," sabi ko habang pinupunasan yung pinagkainan namin saka isa-isang nilagay sa lalagyan. Kumuha naman si Kuya ng bote ng tubig galing sa ref.
"Meron na," sabi niya sabay punas sa bibig niya pagkatapos niyang uminom. "Lalo na kapag abot langit yang ngiti mo."
Nag-init yung buong mukha ko sa hiya. "H-Hindi, ah! Abot langit ka diyan!" depensa ko naman saka humawak ako sa mukha ko. Naramdaman ko nga na ang init ng mukha ko.
"Sus," tiningnan ako ni Kuya nung parang expression na nagdududa.
"Sabing hindi nga, eh." pinunasan ko yung kamay ko matapos kong ibalik yung mga plato sa lalagyan.
"Ang weird niyo talaga," sabi naman ni Kuya habang binuksan yung ref para ibalik yung bote ng tubig.
"Niyo? Sino?" tanong ko.
"Kayo ni Mr. Quintes."
"B-Bakit na naman?" Oops. Pumiyok ako ng konti. Naman kasi. Pangalan niya lang yun, kung tumibok naman tong puso kong to, sus.
"Pareho kasi kayo ng kinakanta," explain naman ni Kuya. "Kanina pa yun nung skate sesh namin paulit-ulit nung kinakanta mo kanina, eh."
Kinabahan ako lalo.
Oo na nga, Justinne eh. Narinig niya na. Oh, ano? Masaya ka na kinakanta niya din yung kinanta mo? Ang babaw mo, gaga. Para yun lang, eh. Sige. Mag-assume ka na naman tapos wala ka na namang mapapala pagkatapos.
"Gaya gaya lang talaga yun," I rolled my eyes. Pero okay. Aamin na po. Kinikilig po ako.
Iniwan ko naman si Kuya. Pinaalalahanan ko din na huwag mag-puyat kasi lalaki yang eyebags niya. Pumangit pa siya lalo. Binelatan lang ako ni Kuya saka bumalik sa sala para manuod nung basketball match. Naghilamos ako kaagad saka nagpalit sa damit pantulog ko. Ginawa ko naman yung assignments ko. HIndi naman ganun kadami kaya after 20 minutes, natapos ko na din. Tiningnan ko yung orasan. Aba, malapit nang mag-11:00PM. Ang bilis naman. Anong oras na ba kami nag-dinner ni Kuya? Hala.
Pumunta na ako sa kama ko para makatulog.
Mga ilang minuto din siguro akong nakapikit lang pero hindi pa din nakakatulog. Tumingin ulit ako sa orasan. Mag-aalasdose na agad.

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...